Thailand National Water Sport Competition
“Today is the Championship for National Water Sports Competition, Who will win the Gold Medal? Who will be the victory and earn an honor for their own country? Let us see in the finale!,” masiglang saad ng host.
Nagsimula na nga ang competition.
Halos lahat ng Sports na ginagawa sa tubig ay nandito. Ito yata ang pinakagrande na water competition sunod sa Olympics.
Sobrang dami din ng tao at napuno ang buong stadium. Dumagundong din ang hiyawan ng mga nanonood sa excitement at galak kung sino ang maaaring manalo sa kompetisyon.
Sa isang banda, nakaupo ang sang dalaga habang inaantay ang hudyat ng kanilang pagsalang sa 400 meter Swimming Competition.
Bale 100 sa each stroke ng swimming: Freestyle, Backstroke, Butterfly at Breaststroke.
Ang iba niyang mga kalaban ay panay ang ensayo sa may practice pool sa isang bahagi ng stadium. Subalit siya ay nakaupo lang sa gilid.
“Riz! Rizzz????,” tawag sa dalaga ng kaniyang 32 years old na kaibigan na Coach niya din.
Siya kasi ang Representative ng kanilang bansa, sa Thailand.
Tinignan niya lang ito ng may pagkaburo.
“Wala ka bang balak na mag stretching man lang?,”dagdag pa nito.
Medyo naka asiwa nga talaga. Siya lang ang natatanging susunod na sasalang na tuyo pa ang damit. Yung ilan ay panay ensayo na at nagpapakitang gilas ng kanilang kakayahan.
“Tsk.. mamaya na ako mag-iinat.. hindi naman ako magta-tumbling tumbling sa tubig eh!,”sagot ni Lerisse sabay cross arms pa.
Hindi sa pagmamayabang pero alam niyang kahit hindi na siya mag nat ay hindi naman magbabago ang resulta.
Siya pa rin ang mananalo sa huli.
“Hays! Ano ka ba naman? Pinag-titinginan ka na nung mga kalaban mo oh! Narinig ko pa nga sabi nung isa na di daw nananalo yung kokone koneho sa competition, yung mga tamad,” bulong sa kaniya ni Coach Vinh.
Sinulyapan niya naman ang mga kalaban niya. Halata ang pang uuyam sa mga mukha ng mga ito. Kahit nga yung mga tapos na at nakikinood na lang sa mga sunod na lalahok at pare pareho din ang mga tinging ipinupukol sa kaniya: mayabang, talunan, tamad
Wala siya sa mood ngayon kaya Napakamot ng noo si Lerisse at tinignan si Coach Vinh.
“Anong gusto nila? Mag-acrobatics ako sa harapan nila? Fine!,” tumayo siya sa pagkakaupo at medyo lumapit sa mga kalaban niya, yung kitang kita talaga siya.
Nakita naman niyang pinagtinginan siya ng mga ito.
“Huy! What are you doing?!,” bulong na sita sa kaniya ni Vinh. Pilit naman siya nitong hinihigit pagilid.
“Stretching.” Sagot ni Lerisse
Nagsimula na siyang mag-inat: Up-side-down, bumukaka, split, dumapa sa sahig at kung ano ano pang stretching na sobrang OA tignan.
Sa wakas ay tagumpay naman siyang pinigilan ni Vinh at hinatak sa isang gilid.
“Anong ginagawa mo?,” ulit nito.
“Sabi mo mag-stretching diba? O ayan na!,”sabi ni Lerisse.
“Pero hindi ko naman sinabing maglambida ka ano! Sige na, pumunta ka na sa pwesto mo dahil magsismula na ang competition,”ani Vinh at pumagilid na.
“Everyone!,” isang salita pa lang pero lumikha na ng malakas na ingay na mula sa mga nandoon. Pitong representative na lang ng bansa ang nandoon para makipag compete sa championship. China, USA, Australia, Japan, U.K., Mexico, at Thailand.
BINABASA MO ANG
The Elementals
FantastikInaakala ng ilan na katapusan na ng mundo, na unti-unti nang nasusunod ang mga nakatala sa Bibliya, na ito na yung Apocalypse. Pero walang katotohanan ang mga iyon, puro mga haka haka lamang. Sapagkat ang mga kakaibang pangyayari sa mundo ngayon ay...