Filipino Version of Blackhole
Sa aking pagbabalik sa nakaraan
Nakaraang pilit ko mang kalimutan
Kalimutan ang iyong ginawang paglisan
Paglisan na pilit na bumabalik saking isipanTila kahapon lamang nangyari
Ang mga alaala natin
Mga larawan ng iyong ngiti
Na kumukupas bawat sandaliBakit ka umalis?
Umalis nang walang paalam
Paalam na ang tanging iniwan
Iniwang mga alaala sa puso't isipanTulad ng mga alingawngaw ng kahapon
Tawa mo'y unti-unti na ring naglalaho
Sakit man ay pilitin kong itago
Ito'y nag-iwan ng butas saking pagkataoTila isang masamang panaginip
Panaginip na gustuhin ko mang gumising
Gumising sa katotohanang lahat ng sumusuko ay talo
Talo ngunit tandaan na hindi lahat ng lumalaban, nananaloKung sana ay bigyan pa ng pagkakataon
Na ika'y muling makasama sa buhay ko
Ibibigay ko lahat ng mayroon ako
Dinggin lang ng Maykapal ang panambitang ito.[150713]
BINABASA MO ANG
Catching Stars(One-Shot)
Fanfiction"A wish is just a foolish excuse for failure to get what you want" Sabi mo sakanya, pero di mo alam na ito na pala ang huling pagkakataon nyong magkita..