Aeris Madyzon Carysv
Nakatitig ako ngayon sa kisame habang iniisip parin yung nangyari kanina.
Hindi na nakwento ni Kief yung about dun sa firstlove ni Alexys dahil long story daw. Hindi ko na rin siya pinilit na ikwento dahil galit naman ako kay Alexys.Bahala na siya sa mga first love-first love niya.
I met Kief, kakain sana kami then dumating si Alexys kasama yung babae niya.
Tapos nagkagulo na.
Sinabihan pa ako ni alexys ng mga masasakit na salita.
Bumuntong hininga na lang ako at pimikit ang mga mata.
Hayst nakakapagoddd!Pagkatapos akong ihatid ni Kief dito sa mansion namin ay sinabi ko sa kaniya na 'wag na siyang pumasok kasi hindi ko rin siya mae-entertain dahil pagod na ako.
Sabi niya okay lang daw.
He seems nice. Hindi ko magets kung bakit gano'n nalang ang galit ni Alexys kanina.
Bakit ba iniisip ko parin yung Alexys na yun. Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa kama para magkape.
Ikakape ko nalang 'tong sama ng loob.
Habang nagtitimpla ako ng kape sa kitchen ay naalala ko si Dylan.
Nasa'n nga pala yung mapang-asar na yun? Kahit mapang-asar yun napapagaan niya ang loob ko kapag may problema ako.
Wala ngayon dito sina Mom and Dad dahil nasa business trip sila.
I guess the whole mansion is mine now.
Agad akong pumunta sa garden namin dala-dala ang kape ko.
Hmm.
Ang sarap ng simoy ng hangin dito. Umupo ako sa bangko dito sa garden namin at nilapag ko ang kape ko sa lamesa.
Pinanuod ko ang paglubog ng araw.
I love watching sunset.
Noong hindi pa kami iniiwan ni kuya, bonding namin ang panonood ng sunset habang nag bi-bike ako sa park.I miss him.
Bumuntong hininga nalang ako at sumimsim sa kape ko.
Agad kong naibuga ang kape na ininom ko.
Pucha! Ang init!
Grabe naman 'to!
Sa sobrang pokus ko sa sunset ay nakalimutan kong kape nga pala yung dala ko at hindi iced coffee.
Grabeng kabobohan naman, Madyzon.
Kainis!
Nilamon na nga ng sama ng loob napainom pa ng sobrang init na kape.
"HAHAHAHA"
"Anak ka ng tatay mo!" Gulat kong saad dahil may bigla-bigla na lang tumawa.
Dylan!
"HAHAHAHA! Ate what are you doing here?!" Tanong sa'kin ni Dylan habang tumatawa.
"Tigil-tigilan mo'ko Dylan. Wala ako sa mood." Mataray kong saad at inirapan siya.
"Taray talaga. Parang hindi mo binuga yung kape sa favorite flower ni Mom ah!" Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya.
Wait!
Napatingin ako sa nabugahan ko ng kape and..
Fuck!
It's mom's favorite flower!
"HAHAHAHA, susumbong kita!" Banta niya habang tumatawa at ginalaw-galaw pa ang hintuturo niya.
"Sige, isusumbong din kita kay mom and dad na you already have a girlfriend." Banta ko rin sakaniya habang nakataas ang isang kilay.