Chapter 22

125 12 2
                                    

"Sigurado ka bang ayaw mong magpasama kahit isa lang sa amin?"

Mula sa pag-iimpake ng dadalhin para sa Bali ay dumaong ang tingin ko kay Skan na nasa hamba ng pinto, nakasandal at naka-krus ang kanyang mga braso habang naghihintay sa akin na matapos sa pag-impake.

Pangalawang beses na akong nag-impake dahil noong una ay akala ko matutuloy. Pero mayroong emergency meeting si Leighton sa isang executive director sa Japan kaya kinailangan niyang umalis. Yung sekretarya niya ang nagbigay sa akin ng update noon na wala ang amo niya, pumunta pa talaga dito sa apartment para lang sabihin sa akin.

Pero humingi naman ng numero ko yung sekretarya niya para palagi niya akong ma-iinform palagi.

Ang gusto ko sana ay mag-isa nalang akong pupunta sa babymoon ko. Wala naman akong gagawin kundi ang sundin yung mga activities para sa mga buntis. It's my babymoon and I should relax there not causing havoc. Ang sabi ni miss Torre—yung sekretarya ni Leighton, ay sasama daw ang damuho na yun pero baka paunahin ako.

At hindi ko din kayang magpasama sa mga kapatid ko o kahit sa mga kaibigan namin dahil may kanya-kanya din silang trabaho. Si Farren minsan ko lang siyang nakikita dahil abala sa pagiging yaya. Parang bumalik yung time na nagtratrabaho siya bilang flight attendant tapos madalang lang kaming magkita kahit pwede ko siyang dalawin.

Yung mga kapatid ko naman ay hindi ko pwedeng istorbohin dahil may mga negosyo silang inaasikaso.

"Ayos lang ako. Alam niyo na kapag nasa babymoon ka ay kung hindi yung buntis lang ang nandoon sa isang partikular na lugar ay kasama din ang partner—pero hindi ko partner si Leighton ha, parang suhol niya 'to sa akin na babymoon sa Bali para daw maging pambawi niya sa baby pero hanggang dito lang siya babawi dahil hindi na daw siya mangingialam sa akin o sa baby kapag matapos na yung babymoon sa Bali."

She snorted, freeing herself from leaning against the doorframe.

"Alam mo hindi ako nakokonsenti diyan sa pagbawi niya—ang laki niyang bobo. Tama, bobo siya. Malaking bobo. Akalain mo nga naman na sa babymoon lang siya babawi eh pwede namang bigyan ka ng sampung milyon."

"At hindi ko tatanggapin ang pera na yun Skan. Insulto yun sa'kin."

She cocked her head and cackled bitterly. "Anong insulto ate? Eh yung pagpunta niyo sa Bali ay wala nang pinagkaiba sa pagbayad sayo ng malaking cash. Saka, ikaw may pagkabobo ka rin eh."

Pinandilatan ko siya. Hindi ako makapaniwala na sasabihin niya yun sa akin. Ate niya ako. Ako ang halos nagpalaki sa kanya.

Hindi pa ako nakakasagot nang putulin niya agad ang sasabihin ko. She took a step in the middle of my room and rested her hands on her hips.

"Dapat inisip mo na yung pagpupunta niyo sa Bali ay walang pinagkaiba yun sa suhol. Isipin mo ha, kung pupunta kayo sa Bali na kayo lang mag-isa ay sa tingin mo hindi yun maa-attract sayo kahit buntis ka? Maganda ka ate—pero ako parin ang pinakamaganda..." Hirit niya. "Ang pinupunto ko dito, baka paglaruan ka lang niya habang nandoon kayo sa Indonesia. Hindi mo ba naiisip yun? Ate may girlfriend yung tao. Fiancé na siya ng iba. Eh para ka ng kabit niyan eh. Ayaw mo maging kabit pero ano itong ginagawa mo?"

I closed my eyes as I sighed deeply. I massaged my temple. Biglang sumakit ang ulo ko sa narinig kay Skan. Gusto kong magalit sa kanya dahil kung makapagsalita siya ay parang mas matanda kaysa sa akin pero... totoo. Para na akong kabit kung pumunta nga ako sa Indonesia na si Leighton lang ang kasama.

Bumaba muna saglit si Skan para pumunta sa kusina ko. Pumunta pa talaga siya dito sa apartment para lang kontrahin ang pagpunta ko sa Bali. They're tried talking that with me but I didn't listen.

Leighton Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon