"Nygel Prnce Villarreal at Esriah Coleen Mizaforte, kayo ang mag-partner para sa gagawing contest na quiz bee na gaganapin sa Oktubre 18" ani ng professor namin.
Nagsigtinginan sa amin ang aming mga kaklase na para bang nakakita sila ng patay
"Sir?, bakit po ako? Hindi naman po ako nagvolunteer na sumali" ani ko
"Oo nga, pero nahahalata ko na magaling ka naman lalo na sa subject na Math, lalong lalo na si Mr. Nygel, kaya bagay kayo na maging partner sa gaganaping quiz bee."
"Pero sir-" pinutol ng aming professor ang sinabi ko
"Final na ito, Ms. Esriah". Class dismissed"
Nag-ring na ang bell at nagsiglabasan na ang mga estyudante na papunta ng cafeteria. Hindi parin ako makapaniwala na kasama ako doon, lalong lalo na si Nygel pa ang kapartner ko. Sabi sabi sa campus namin na masungit si Nygel kaya ayaw na ayaw kong nilalapitan sya
Paano pa ngayon eh naging partner ko pa sya, siguradong matatameme lang ako nito
Kaming tatlo nalang nina Nygel at Weyzri ang natitira, ang matalik kong kaibigan
"Hindi ka pa ba pupunta sa cafeteria?" Tanong ni Weyzri
"Papunta na, mah hinahanap lang ako, susunod nalang ako" ani ko
"Sige magi-ingat ka" ani nito at umalis
Kami nalang ni Nygel ang natira, siguradong inaaral nya nanaman ang mga topics sa lahat ng subjects para makapasa sa darating na exam.
Matalinong tao si Nygel, pala-recite at nonchalant. Sa totoo lang may hitsura rin sya kaya hindi nako nagtaka kung bakit tinitigan ako ng mga kaklase ko kanina.
Hindi ko mahanap ang isang libro ko na tungkol pa naman sa Mathematics, kailangan ko ito lalo naa at kasali ako sa quiz bee, ayaw ko namang mapahiya kay Nygel.
"Ito ba ang hinahanap mo?" Narinig ko ang boses ni Nygel, nagulat ako at kinakabahan nang bigla nya akong kinausap
"Ah-ah oo, saan mo nakita?" Ani ko
"Kinuha ko kanina, nahulog mo habang naglalakad ka sa hallway" ani nya na walang halong emosyon
"S-salamat" sabi ko at tumalikod nalang sya at umalis na
Suplado, sabi ko sa utak ko. Isa syang heartthrob sa campus namin, playboy rin sya, sa totoo lang, nasa kanya na ang lahat. Ang isang problema lang ay hindi ko alam kung paano makisama sa kanya, araw-araw ba namang may kasamang babae, tapos lalapit pa ako? Nahihibang ba sya?
Umalis nalang ako at pumunta nang cafeteria, hinanap ko ang kaibigan kong si Weyzri na nakaupo at kausap ang crush nya. Naging kaibigan ko sya dahil mabait sa, maganda rin sya sa labas at loob, pero may tinatagong wildness side. Pero hindi ko pinagsisisihan na naging kaibigan ko sya.
Sya ang tumulong sa amin ng pamilya ko noong walang wala na kami, kaya malaki ang respeto ko at pagmamahal sakanya.
"Esriah!" Sigaw ni Weyzri
"Papunta na!" Ani ko naman at umupo
Kakatapos nya palang makipag-usap sa crush nya, sa totoo lang, naiinis din ako minsan kay Weyzri dahil tanga din sya pagdating sa pag-ibig
"Esriah, alam mo ba, niyaya ako ni Drake na makipag-date sakanya"
"Anong sinabi mo?"
"Syempre oo, siya paba? Eh matagal ko na syang mahal eh"
YOU ARE READING
Until We Meet Again
RomanceAll Rights Reserved -It is about a woman and a man who became lovers. The man is playboy but they fell for each other, and the woman does not know that her boyfriend is her best friend that she has been looking for for a long time. The man don't kno...