Preparation

1 0 0
                                    

"Huyyyy! Babae gumising kana! Anong oras na hindi kapa enroll!"

Dinig kong sigaw ni lola na dahilan ng pag gising ko

"Opo la"

Anong oras na ba kasi, inis kong sabi sa isip ko. Ang tagal pa naman yata ng pasukan eh para mag enroll ako, hayst. Matingnan na nga lang ang cellphone ko.

( 9:52 am July 26) Screen

"HALAAAAAA!!"

Sigaw ko ng makita ko ito sa screen ko.

"Ano ba yan Shaina! Ang ingay ingay mo"

"Eh la kasi naman bat di nyo po sinabi na 26 na pala ngayon"

Di mapakali kong sabi

"Aba ako pa talaga eh sabi ko naman nga sa iyo ay hindi kapa enroll, mag asikaso kana nga dun"

Sambit ni lola sakin

Kaya dali dali akong naligo at nag ayos para makapamili na ng mga gagamitin ko sa darating na pasukan.

Nang makarating nako sa pandayan ay agad na akong namili ng mga gagamitin ko, di naman ako mayaman noh para bumili sa national book store.

Bumili ako ng 12 na notebooks, 1 whole pad at yellow pad tapos isang 1/4, 1/2 at lengthwise, bumili rin ako ng 2 black, red, blue at green na ballpen tapos mga pang highlights at hair brush na rin.

After kong mamili ay namalengke ako saglit at dumeretsyo na pauwi. Niready kona yung mga gagamitin ko sa darating na school year na toh, tapos inayos ko narin ung mga papers na need ko para bukas sa enrollment.

Transfer student kasi ako at first time ko ring mag aaral sa private. Nanggaling ako sa province sa laguna dahil nandun ang nanay ko, pero ngayong gr10 nako ay kinuha nako ng tatay ko at ang naiwan sa laguna ay ang dalawa kong lalaking kapatid. Panganay ako sa aming tatlo, at nag iisang babae rin.

Hindi ako sanay sa ganitong lugar na maraming kapitbahay, maingay at magulo pati madami ring sasakyan at malalawak na kalsada. Hanggang ngayon nga eh di parin ako marunong  tumawid ng kalsada eh, pero syempre noh matututo rin ako independent kaya toh.

July 27 na at nag asikaso nako para pumunta sa holy deliverance para mag enroll. Buti nga at sinamahan ako ni lola kasi introvert talaga akong tao at kung ako lang ang pupunta dun eh baka wag nalang. Char.

After naming mag enroll at makauwi ay natulog nalang ako kasi grabe antok na antok ako kanina pa ang tagal kasi eh HAHAHA.

KINABUKASAN

Nagising ako dahil sa sigaw ni daddy

"Shaina!!! Isa kanina pa kita tinatawag ha"

"Opo!"

Patay ako nito, sabi ko sa isip ko. Dali dali akong pumunta ng sala dahil akala ko may ginawa na naman ako.

"Oh, wala ka pang bag diba, ayan binilhan na kita "

"Ehh, thankyouu Dhieeee"

Tuwang tuwa ako ng matanggap ko ang bag na binili sakin ng daddy ko. Para akong bata noh? Ngayon ko lang kasi naranasan yung ganto since matagal kaming magkalayo ng daddy ko dahil nang t-trabaho sya. Kaya every small things he gave me it always makes me feel like a child again.

Inayos ko na nga ang gamit ko sa bag na bigay ng dad ko, kulay black ito na may star sa kada zipper at ang cute rin nito. Matapos kong ayosin ang gamit ko ay inasikaso ko naman ang uniform at sapatos na gagamitin ko sa 29, excited na kaba na kasi ako eh HAHAHAH, pero kaya ko parin namang makasabay sa mga extrovert person noh kahit introvert ako, sabi nga nila Fake it till you make it, kaya go lang!

After kong mag ayos ng mga gamit ko ay syempre nag codm nako noh, ang aga aga pa kaya para matulog ako, kaya ayun nagpa rank up muna ako kahit konti almost 1 week ko na ring di naoopen ang codm ko eh.

Pagkatapos kong maglaro ay chinarge ko na ang cp ko at saka nagdasal bago matulog, it was 9:03 narin kaya naisipan ko nang matulog, kawawa naman ako diba pag may eyebags na malala sa 29, dapat chill lang, joke deep inside parang gusto ko nalang mag laho.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 22 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ms Treasurer And Mr PresidentWhere stories live. Discover now