Chapter 22

31 2 0
                                    

Nagising ako sa pagpasok ng doctor at nurse para icheck ulit si Sonnet. Muntik pa akong mahulog nang magsink-in sa akin na magkatabi kaming natulog.

Magkatabi kaming natulog sa ospital! Ang awkward masyado dahil nandito pa sila Daddy.

Masama ang iginawad na tingin sa akin ni Violet nang makitang galing ako sa gilid ni Sonnet.

Akmang tatayo na ako para sana bigyan ng space ang mga nurse nang hawakan ni Sonnet ang kamay ko.

He mouthed, dito ka lang. Kaya naman nanatili ako doon kahit halos mapatay na ako ni Violet sa sama ng tingin niya.

Wait. Should I start calling her Tita instead of Violet lang since legit naman na kami ni Sonnet? Right?

Napatingin ako kay Sonnet nang paglaruan niya ang mga daliri ko nang nakangisi. Tinuro niya ang mga pisngi ko kaya alam ko na namang namumula ako sa kung anong naiisip.

Halos gamitin ko buhok ko sa pagtago ng mukha dahil sa ala-ala ng nangyari kaninang madaling araw.

He kissed me! Hindi lang isang beses! Madami pa! Lalo na nang marinig niya kanina na naghihilik na si Daddy ay inangat niya ako sa higaan para magka-level kami. He kissed me on my lips, on my cheeks and sa forehead.

Hindi ko mapigilang kurutin ang sarili ko at mapatulala sa kawalan dahil baka nananaginip pa ako.

Hindi ba masyadong mabilis? Hindi ba parang kahapon lang ay may gusto siyang iba at nagmu-move on siya? Hindi ba parang kahapon lang ay hindi kami nagkakasundo sa kahit ano?

Hindi kaya natakot lang siyang may nangyari ring masama sa akin kaya niya ako hinalikan sa tuwa na okay ako?

Hindi naman siguro, 'di ba? Nararamdaman ko naman na gusto niya rin akong kasama, e.

Sunday ngayon kaya nagpaalam ako sa kanila para dalawin si Mommy. Ayaw pa akong pakawalan ni Sonnet pero kailangan niya na ring magCR kaya no choice siya kundi pakawalan ako.

Nasa bus palang ako paalis ay nakatanggap agad ako ng message galing sa kanya.

From: Sonnet <3
Be safe. I miss you already.

Ang gilas naman ng lalaking 'yon. Nagawa pang magtype kahit iisa lang ang kamay.

Nireply-an ko lang din siya at umidlip na sandali sa bus.

After 2hrs ay nakarating na rin ako kay Mommy. Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Ninong na dati ay hindi naman niya ginagawa.

"Okay lang po ba si Mommy?"

Kinabahan ako sa paraan niya ng pagtitig sa akin dahil parang may balita siyang ayaw niyang ipaalam sa akin dahil baka hindi ko kayanin.

"She's fine. Halika. Tara sa loob. She's waiting for you." Masaya akong iginiya ni Ninong papunta sa kwarto ni Mommy.

Pagpasok ko doon ay may isang round table na may tatlong plato at mga pagkain. Maraming banderitas na pula, berde, dilaw at marami pang ibang kulay. May nakasabit din na Merry Christmas sa dingding.

Two weeks pa bago ang Pasko. Bakit ang aga yata nila icelebrate dito?

"Merry Christmas, anak!" Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Mommy. Naka-costume pa siya ng Santa Claus at laking gulat ko nang pati si Ninong ay naka-costume ng elf. "Advance happy birthday!"

"Mommy, December 26 pa ang birthday ko pero thank you!" Niyakap ko siya ng mahigpit dahil ngayon ko na lang siya nayakap ulit.

Pinaupo nila ako at inabutan ng isang malaking box. May dalawa doon na regalong naka-box din ng mas maliit.

Dis-Engagement ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon