Kabanata 55

131 8 3
                                    


Kabanata 55

Malice




Nagtalo pa kami sa gitna ng daan. Na kung hindi pa nagsilabasan ang mga nakawalang aso sa lugar ay hindi na siguro aalis doon si Sir Killian kung hindi pa ako ang nanguna.

"Call Gerry," malamig kong utos sa kanya. "Kailangan ko siyang makausap."

"Why?"

"Hindi ko na kasi naiintindihan ang mga nangyayari," asik ko. "Kung bakit ka bigla nandito, at... at marami pa akong tanong!"

"Why don't you ask me then?"


"Bakit? Ikaw ba ang tenant namin? Geraldino Tuason 'yong nakasulat sa kontrata,"


"Then I'll change it. Papalitan ko para ako na ang kausapin mo—"


"Hindi ganyan kadali, Sir Killian."


"Anong hindi madali?"


"Ito! Hindi madali 'to!" umiling-iling na ako habang padabog na naglalakad pabalik ng clubhouse. "Hindi ko maintindihan. Kayang-kaya mong magpagawa ng subdivision na ganito ka-laki kaya hindi ko maintindihan kung bakit dito mo napiling tumira at... doon pa sa pinaka maliit naming unit!"

"Why? Do you have bigger units?" natigilan siya. "The house where you're staying in..."

"It's not for rent!"

Tumangu-tango siya habang naglalakad sa tabi ko.

"Then I'll live with you there," he added seriously, but I caught a hint of teasing.

I glared at him. He suddenly looked defensive when I did.

"Well, you told me I can't live in your smallest unit, so I'll take the bigger one. At kung hindi pala pwedeng rentahan then I—"

"Hindi ako nakikipagbiruan, Sir Killian," matigas kong untag. "Magpatayo ka nalang ng sarili mong subdivision."


Parang giliw na giliw pa siya sa mga sinasabi ko kahit nagpupuyos naman ako sa inis.


"But if you really want it, pwede mo namang bilhin," I nonchalantly realized as we climbed an uphill. "Pati 'yong maliit na unit namin, bilhin mo na. Bilhin mo na lahat ng bahay namin para makaalis na ako dito."

"Bakit ka aalis?"

"Kasi nandito ka na," I sarcastically added. "Doon ka na tumira tutal mukhang matagal-tagal ka pa ata dito, e."

"Oo nga, kaya bakit ka pa alis when you'd be living with me anyway?"

Galit ko siyang tiningnan at natigilan. "Hindi na ako katulong, Sir Killian."

"I know."

"Hindi rin ako naghahanap ng trabaho!"

He nodded.


"O, alam mo na naman pala! E ba't pa ako titira sa'yo?"


"'Cause you're my girlfriend—"

"Teka, teka! Kelan nangyari 'yan?" tumigil ulit kami sa gitna ng daan.

Behind CurtainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon