DISCLAIMER:
"Through Yesterday's Scenery" is my very first book, and I'm excited to share it with you.
However, I want to be honest that my writing may not fully meet your expectations, as I'm still learning and growing as a writer.
This story is a reflection of my journey, and there might be some typos or errors along the way.
I appreciate your understanding and hope that you find something meaningful in the pages, despite any imperfections. Thank you for taking the time to read my work!
__________
Maaga akong nagising ngayon kasi may campaign kami para sa Provincial Election ng school namin. Isa ako sa mga na-elect bilang Provincial Officers, at Secretary ang posisyon na nakuha ko.
Medyo nakakapanibago kasi hindi ko talaga in-expect na mapapasama ako dito sa posisyon na 'to. Ngayon, kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung paano ko ito gagampanan. Naisip ko na lang na ito siguro ay pagkakataon para matuto at makilala ang mga tao sa paligid ko.
Hindi ko talaga alam kung bakit ako napasok sa posisyon na 'to. Kung tutuusin, mas gusto ko yung tipo na tumutulong pero hindi kailangan sa spotlight. Pero dahil nandito na ako, kailangan ko na lang siguro pagbutihin.
Sabi nga nila, "If you want to grow, you have to step out of your comfort zone." Kaya naman, kahit kinakabahan ako, tatanggapin ko na lang ang responsibility na dala ng posisyon ko.
Excused kami mga students na magca-campaign ngayon. Nasa Angat Partylist ako, at ang mga kalaban namin ay Tibay Partylist. Ang bawat campaign event ay puno ng energy at excitement, pero nakakaramdam din ako ng pressure.
Kinakailangan naming ipakita ang aming platform at kung ano ang maiaambag namin para sa aming mga kaklase. Kailangan kong ipakita sa kanila na hindi ako nabigo sa kanilang tiwala.
Medyo nakaka-pressure si Yve Elarazco, ang kalaban ko sa posisyon, dahil nasa Tibay Partylist siya.
Grade 12 ICT siya, at halos lahat ng estudyante sa school namin ay kilala siya.
Sikat siya sa campus kaya ang daming humahanga sa kanya. Maraming tao ang laging napapansin siya, at parang lahat ng bagay madali lang para sa kanya.
Pero sa kabila ng lahat ng iyon, kailangan kong mag-focus sa campaign namin.
Kailangan kong ipakita sa mga tao na kaya ko ring maging mabuting lider. Hindi lang ito tungkol kay Yve, ito rin ay tungkol sa mga ideya at layunin na nais kong iparating.
Minsan naiisip ko kung paano ko mapapaabot sa kanila na may halaga rin ang aking mga pananaw at plano.
Sa huli, dapat kong ipagpatuloy ang laban at huwag panghinaan ng loob. Kailangan kong magpakatatag at ipakita ang tunay na kakayahan ko.
Ang kampanya ay hindi lang para sa akin, kundi para sa lahat ng mga estudyante na may pangarap at nais ng pagbabago. Kailangan kong lumaban para sa kanila, kahit na si Yve ang pinakamalakas na kalaban ko.
Kahit na mabigat ang laban, iniisip ko na hindi lahat tungkol sa kung gaano kasikat o kakilala ang kalaban mo. Ang mahalaga ay kung paano mo ipapakita ang tunay mong intensyon at kakayahan. Tulad ng sabi nila, "Hindi mahalaga kung sino ang nasa unahan, ang mahalaga ay kung paano ka lalaban."
Sa halip na mag-focus sa takot o kaba, mas mabuti pang itutok ko ang lahat ng lakas ko sa mga bagay na kaya kong gawin at kung paano ko mas mapapabuti ang aking kampanya.
Nag-assign kami ng mga tasks sa bawat miyembro ng Angat Partylist, at kami-kami na rin ang nag-organize ng mga activities para sa campaign. Napagpasyahan namin na magdaos ng mga fun events para makuha ang atensyon ng mga estudyante.
YOU ARE READING
Through Yesterday's Scenery
FanfictionIn To Yesterday's Scenery, a first-year BS Biology student at Ateneo wakes up in the past, where her best friend, a future architect, is alive and completely unaware of the tragic fate that awaits them. Start: Sept. 28, 2024 End: