Content warning. Read at your discretion.
***
KABANATA 28
Mula nang makatanggap muli si Estefan ng iginuhit na larawan mula sa batang si Sandra, kada linggo ay palagi na siyang hinahandugan nito niyon.
Pagkatapos ng klase ay sa munisipyo pa rin namamalagi si Estefan. Sa tuwing nakadungaw siya sa bintana, hindi niya na nakikita si Sandra na naghihintay sa palaruan. Kaya't nakalalabas na si Estefan upang magpakain ng mga asong kalye.
Bagaman, isang beses sa isang linggo, muling lilitaw si Sandra mula sa kung saan at magbibigay sa kanya ng panibago nitong likha.
Hindi niya inaasahan na sa tuwina ay iguguhit siya ng batang babae.
"Sandra, maraming salamat muli. Ngunit hindi mo ako kailangang iguhit kada linggo."
Hindi malaman ni Estefan kung paano magbibitiw ng mga salitang hindi nito labis na dadamdamin.
"Masaya ako sa pagguhit, Estefan. Huwag kang mag-aalala." Ngumiti ito nang malapad, kasama ang mga mata. "Kung hindi ka na nagagandahan, maaari mong huwag tanggapin. Pangako, hindi sasama ang aking loob sa 'yo."
Napakurap siya at napasulyap sa bagong iginuhit nito. It's him again, sitting down the entrance stairs of the town hall and watching the stray dogs eat.
Bahagya siyang napangiti. The drawing was what he did last week.
Kung gayon, nakita siya ni Sandra noong araw na iyon upang maguhit nito ang larawan ng detalyado, pati ang kulay.
She's been quietly watching him when he thought she's nowhere close! Nais niyang mapakamot sa ulo. Paanong siya na ngayon ang lihim na sinusubaybayan ng isang Salamanca? Gayong siya nga ang tagabantay?
Bahagyang nag-aalala, lumingon si Estefan sa bintana sa ikalawang palapag. Hindi nakasilip ang kanyang abuelo.
Humugot siya nang malalim na hininga bago siya muling bumaling kay Sandra.
"Maganda lahat ng likha mo, Lyssandra," tunay na puri niya rito, sinabayan ng mabait na ngiti. "Mabuti't nahuhunong ang iyong talento sa laging pag-e-ensayo. Subalit nahihiya na 'ko sa 'yo. Sapagkat hindi mo 'ko kailangang handugan ng mga likha mo linggo-linggo."
Mabilis itong umiling. "Huwag kang mahihiya, Estefan." Mamula-mula na ang mga pisngi nito habang nakatingala sa kanya. "At nais ko ay mahandugan ka lagi niyan upang... ahm, maalala mo 'ko sa tuwing titingnan mo ang mga larawan."
Napakamot na siya sa sentido. Paano kung nalaman ni Lolo Aris na kahit lumalayo siya ay tumatanggap pa rin si Estefan ng regalo mula sa batang Salamanca? This is still against the rules, isn't it?
"Estefan, iniipon mo ba ang mga iginuhit ko?" Umaasa ang tinig ni Sandra.
"Itinatabi ko, oo," he honestly answered.
Mas lumapad ang mga ngiti nito. "Daghang salamat! Mauuna na 'ko, Estefan!"
"Sandra—"
Tumakbo na ito palayo habang kumakaway ng paalam sa kanya.
Napabuntong-hininga na lang siya nang mawala ito sa paningin. Muli niyang tinitigan ang ibinigay nito at wala siyang maipintas sa husay ng batang katulad nito.
Malayo siguro ang mararating ni Sandra kung aasamin nitong palaguin ang hilig.
Estefan turned the paper and as expected, she left a note again.
BINABASA MO ANG
Pagkatapos Ng Lahat (Valleroso #4)
Spiritual4th Book of Valleroso Series. Gaios Estefan Valleroso.