Chapter 21
Madaling araw na nang makatulog ako. Pinilit ang sarili na huwag gumawa ng kung ano mang bagay na baka pagsisihan ko kinaumagahan. Nagising ako nang maaga at nauna akong umalis. Hindi ko alam kung bakit pero iyon ang ginawa ko.
Buong maghapon pinilit ko makipagplastikan sa mga tao kasi nga student teacher ako. Wala akong ibang choice kundi maging kunwaring approachable.
May tatlong klase pa naman ako ngayon kaya medyo inis ako.
"Sir, sa one fourth po?" tanong halos ng mga bata.
Sarap mambato kung pwede lang talaga.
"Anong sabi ko?" tanong ko.
"One fourth po."
Napabuntonghininga na lang ako. Alam naman na pala nagtatanong pa. Minsan hindi na rin kinakaya ng pasensya ko ang mga batang ito. Kung hindi lang kasalanan makasakal ng bata ay nasakal ko na ang mga ito kanina pa.
"Sir, gusto ko maging katulad niyo. Mahirap ba?" tanong ng isa kong estudyante habang nasa corridor kami.
Binabantayan ko sila sa paglilinis kaya ito ngayon at marami na naman silang tanong.
"Wala namang bagay ang madali. Sa atin na lang kung paano tayo makakasurvive sa bawat bagay at daan na pinipili natin."
Kahit ang mga sagot ko ay isa lang na pagpapanggap. Hindi naman ako talagang ganito na magbibigay ng advice. Sadyang baka kung ano isipin nila. Teacher pa naman ako ngayon. Baka husgahan ako sa sagot ko.
"Sir, bakit ka nag-educ?" tanong ng isa pa na nakapagpahinto sa akin.
"Para sa degree."
Hindi ko pa mahanap sa puso ko ang gusto ko. Basta ang alam ko kailangan ko matapos ito. Para kay mama.
"Pero kung may choice ka, sir, ano ang gusto mong talaga?"
Napacross ako ng braso at biglang napaisip. Tila aksidente lang ang lahat kaya ako nandito. Bigla lang pumasok sa isip ko na gusto ko magkaroon si mama ng anak na degree holder tapos bigla ako nag-enroll sa program na ito ngayon nasa ika huling taon na ako. Iyon pa rin ang kayang sagot na kaya kong sambitin sa tuwing tinatanong ako.
"Siguro ano... gusto kong ano..."
Ano nga ba talaga ang gusto ko?
"Maging sugar baby na lang ganoon. Tsaka ayaw niyo iyon? Kung hindi ako nag-educ wala kayong poging student-teacher ngayon."
Dismayado ang mga mukha nila dahil siguro ay naghihintay sila ng matinong sagot na ikinatawa ko.
"G-gusto ko lang naman yumaman eh... nang walang ginagawa."
Kung ano-ano pa ang mga naging tanong nila bago ko natanaw sina sir Miah na kasama na naman ang teacher na parati niyang kasama. Nagtitititili na naman ang mga bata dahilan para mapatingin siya sa gawi ko saka ako nag-iwas ng tingin.
Sila na naman talaga! Sa dami ng pwedeng makita!
"Sir, grabe naman ang fresh kahit hapon na."
"Bagay kayo, sir."
Dahan-dahan akong umatras bago tumalikod dahil sa wakas ay makakatakas na ako. Naririnig ko pa sila bago ako makalayo.
"Sir, ship talaga namin kayo ni ma'am. Ang cute niyo."
Dali-dali akong pumunta sa LRC para magkunwaring inaayos sa laptop ko para bukas kahit wala naman. Nang makita ko na may message galing kay Zayn ay kaagad ko itong binuksan.
Nag-aaya siya na susunduin ako kaya umu-oo na lang ako. Ayaw ko makasama si sir. Hindi ko alam ang ikikilos ko.
"Oh! Sir, ano at naligaw ka rito?" Napalingon ako sa lakas ng boses ng teacher sa LRC at tumambad na naman sa akin ang mukha ng dalawa ma tinatakasan ko kanina. "Bagay na bagay kayo! Ang fresh!"
BINABASA MO ANG
Love Me Like U Do (Chalk & Heartstrings Series #2)
Roman d'amourBL story Posted: July 3, 2024 x acc: @hazziesssss tiktok acc: @hazziesssss Picture: © JoongDunk's hand