CHAPTER 3

8 0 0
                                    

SELENE POV

Lumabas na ako ng exclusive room matapos ang namagitang tensyon sa dalawang pamilya.

"Hoy! Anong mukha 'yan?" Salubong na tanong ni Kia ng makalabas ako.

"Wala."

Agad naman siyang umismid. "Wala? Daig mo pa nga natalo sa sabong."

"Pagod lang ako Kia."

"Enrollment na bukas, may pang tuition kana?"

"Mag aapply ako bilang scholar."

"Sure naman akong hindi kana lalayo ng school, diyan ka nalang ba sa harap ng restaurant na 'to?"

"Anong harap?"

"Slow! Diyan sa Luminous Heights University (LHU) sa harap ng restaurant na 'to. Anoba? Lutang na lutang ka naman!" Singhal niya.

"Oo diyan," matamlay kong tugon.

"Hoy? Ano ba talagang nangyari sa loob? Inaway kaba nila? Bakit ang tamlay mo nung nakalabas ka?"

"Ayos lang ako, pagod lang siguro."

"Pagod din naman ako ah? Bat mukhang fresh parin?"

"Bakit? Mukha naba talaga akong matanda?"

"Pft! Hahaha! Papunta na kung tatamlay tamlay ka diyan!"

Umiling iling nalang ako sa kadaldalan niya.

"Ngapala? Anong course kukunin mo?"

"BSTM."

"Tourism?"

"Oo."

"Talaga?"

"Huwag mong sabihing gagaya karin?" Pang aasar ko sakaniya.

Agad naman siyang bumungisngis.

"Hehe! Bakit ba? Mag aapply rin ako bilang scholar."

"Pwede naman 'yon, pero piliin mo parin yung course na naaayon sa gusto mo."

Agad naman siyang ngumuso. "Sino bang nagsabi sayo na hindi ko gusto ang tourism?

"Bahala ka."

"Basta, sasama ako sayo kung san ka magpunta."

"Huwag mo nga e ayon ang sarili mo sa akin."

"Alamo ikaw, oa ka! Madamot!"

"Hindi sa pagdadamot, sundin mo lang kung anong ninais ng puso mo," dagdag ko saka tinuro ang puso niya.

"Kaya nga tourism rin kukunin ko! Huwag ka ngang kontra!"

Bumuntong hininga akong umiling iling at tinalikuran siya.

"Hoy! Anoba! Bastos ka, nagsasalita pa yung maganda!" Sigaw niya.

Huminto ako at tinignan siya ng masama.

"Ang ingay mo, maraming customers kumakain."

"Ang layo nila sa atin, huwag kang oa."

"Psh!"

"Ang taray mo!" Natatawang aniya.

Hindi ko na siya pinansin at dumiretso nalang ng kusina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Infinite HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon