27

4.1K 134 73
                                    


Aliana Arceta

Five and a half years later.

I bent down para ibigay ang maliit na bag kay Clover. Isinuot niya ito sa likod niya. Magaan lang iyon dahil wala masyadong laman. Kindergarten na ang baby ko. Siniguro kong maayos ang pagkakatali ng buhok niya, nilagyan ko rin ng hair pin ang bangs niya para hindi siya mahirapan kapag may mga activities sila sa school.

"What Mama did tell you, baby?" tanong ko sa kanya.

"Huwag ako iiyak sa classroom, Mama, huwag ako mag-aaway. And then I'll listen to my teacher." malambing niyang sagot.

Nong unang araw niya sa klase iyak siya nang iyak at gustong magpakarga sa akin, takot na takot siyang mawalay sa akin, takot din siya sa teacher niya. Ngayon sanay na siya, may mga friends na siya sa school kaya na-i-enjoy na niyang pumasok sa klase nila.

"Susunduin kita mamaya dito sa school, okay?" Hinawakan ko ang pisngi niya at marahang hinaplos ito.

"Yes, mama." Humalik siya sa pisngi ko kaya napangiti ako.

Hinaplos ko ang buhok niya at hinalikan ang noo niya. "Sige na, pumasok ka na sa classroom niyo."

Agad naman siyang sumunod sa sinabi ko. Hindi muna ako umalis, sumilip ako dito sa bintana ng classroom nila at pinagmasdan siya. After nilang mag-pray, kumanta at sumayaw bilang first activity nila, isa-isa nang tinawag ang pangalan nila ng kanilang teacher.

"Clover Winnie Nuevo?" saad ng teacher. Agad namang nagtaas ng kamay ang anak ko. Hindi na siya nahihiya kagaya nong una. Pagbaba niya ng kamay tumingin siya dito sa kinaroroonan ko, ngumiti siya kaya nginitian ko rin siya.

Masaya ang pakiramdam ko na umalis. Mamaya ko na siya babalikan. Sumakay ako rito sa kotse ko at nagmaneho papuntang Icecream Shop. It has been a year since I started my small business, ito ay dahil kay Clover. Mahilig kasi siya sa ice cream, favorite niya ang strawberry at vanilla.

Kasama ko ang dalawang tauhan ko na si Sheena at si Gwen. Binuksan namin ang shop pagkarating ko galing school, saka kami pumasok. Una naming ginawa naglinis at inayos ang mga table and chairs. Ilan sa mga sine-serve namin ay home made icecream, gelato at sorbetes na may iba't-ibang flavor at toppings. We usually open at 9 AM. Pwede ang dine-in or takeout, madalas may mga nag-pi-pick up ng mga stocks para sa kani-kanilang tindahan, or minsan kami mismo ang nagdi-deliver.

Abala ako sa ginagawa kong pagprint ng mga pre-orders nang dumating ang kaibigan kong si Audrey. Nakangiti siyang pumasok sa entrance door.

"Hi!" masiglang bati niya.

"Ang aga mo, ha." saad ko. Usapan na kasi namin na magkikita. Pero ang sabi niya, siya na lang daw ang pupunta rito para makabili siya ng icecream na pistacio flavor. Isang buwan na rin mula nong huli siyang dumalaw rito.

"Inagahan ko para matagal kitang machika." saad niya. Pareho kaming napangiti. Iyan din minsan ang gusto ko yong may nakakausap na kaibigan.

"Upo ka muna, Audrey."

"Okay, salamat. Nasa school ba si Clover?"

"Yep."

"Si Von nasaan?"

"Nasa work, baka mamayang lunch nandito siya."

PATH OF HATE 🔞(Mikhaiah)Where stories live. Discover now