Habang kumakain ng tanghalian ay hindi maalis ang mata ko sa aking pinsan. Naalala ko ang nakita ko kagabi at kahit pilit ko man alisin ito sa aking isipan ay hindi ko magawa. Mas’yado akong nagulat sa mga nakita. Nag-tama ang mata namin ni Prince Mourad kaya naman nagbaba ako agad nang tingin sa kinakain
“Mahal na prinsesa, ito na ang iyong panibagong siyampu.”
Tinanggap ko iyon kay Adina at pumasok na sa banyo. Sumunod naman siya sa akin at tinulungan akong tanggalin ang aking damit bago lumubog sa bathtub. Punong-puno ito ng mabangong rosas. Sinimulan ng lagyan ng siyampu ni Adina ang aking buhok.
“Mabuti na lamang at napansin ko iyon, mahal na prinsesa. Nagsabi agad ako sa kanang kamay ng reyna para dito sa iyong siyampu.”
Ngumiti ako at bahagya siyang tiningala.
“Salamat, Adina.”
“Nabalitaan ko na dumating ang iilang kasamahan ni Prinsipe Mourad. Mukhang may balita silang hatid sa ating palasyo. Ano kaya iyon?” napatigil pa siya sa pagbabanlaw sa aking buhok dahil sa pag-iisip pero agad din naman niyang tinuloy.
“Sana ay magandang balita siya para magkaroon ng progreso ang misyon,” bumuntong-hininga ako. “Delikado na ang ating mga araw. Tuwing naririnig ko ang pagtatalo ni Princess Nirvana at Prince Caveri ay mas lalo ko lamang napapatunayan na maaring nalalapit na ang mga kalaban.
“Nakakabahala nga, mahal na prinsesa. Paano na lang kung mangyari ulit ang nangyari sa Darthoviac?” bakas ang takot sa kanyang boses.
“Ipinagdadasal ko na hindi siya mangyari ng ganoon kalala. Hindi ko rin maiwasan isipin kung nasaan ang Emperatris sa henerasyon na ito? Kung mayroon ba.”
Natigil sa ginagawa si Adina at nilingon ako. Umiling siya sa akin.
“Hindi mo na kailangan isipin iyon, mahal na prinsesa. Tingin ko ang mga kamahalahn na ang bahala sa usapin na iyan.” Nagtaka ako sa naging reaksyon niya pero isinawalang bahala ko na lang ito.
Buong hapon ay tinuruan ko si Adina mag-basa at mag-sulat. Pero sa napansin ko sa kanya ay hirap siya sa pagsusulat sa pagbabasa naman kasi ay madali lang siya turuan. Kaya sa mga susunod na gagawin namin ito ay mas magpo-pokus akong turuan siya sa pagsusulat.
“Ang pangit nang sulat ko, Prinsesa Cresentia. Tingnan mo naman.”
Kumamot siya sa kanyang ulo habang pinapakita sa akin ang papel kung saan sinubukan niyang sumulat doon.
“Tingin ko ay hindi talaga ito para sa akin. Hirap na hirap ako sumulat ng letra at ang sakit na ng aking kamay.” Reklamo niya pa.
“Ganyan talaga kapag nagsisimula, Adina. Gusto kong subukan na magpapadala tayo ng sulat sa isa’t-isa sa oras na marunong ka ng mag-sulat, Adina.”
Unti-unti ay sumilay ang ngiti sa labi niya.
“Magandang ideya siya, Prinsesa Cresentia. Ngunit paano iyon mangyayari kung narito tayo parehas sa palasyo?”
“Sa ibang pagkakataon, Adina. Tingin ko masaya iyon gawin. Gusto kong subukan sa'yo kapag ikaw ay natuto na.”
Malaki ang ngiti ko sa kanya at isang ngiti din ang isinukli niya sa akin.
Paulit-ulit akong tumutugtog ng violin at paulit-ulit din namamali ang piyesa ko. Tamad akong tiningnan ni Sirgun. Nag-eensayo kasi ito habang ako ay narito at pinapanood siya. Hindi ko naman din inaasahan na nandito siya at nang magtangka akong umalis ay pinigil niya naman ako.
“Maybe you need to fix your violin.” Suhestiyon niya at pinagpatuloy ang paghampas sa dayami na hugis tao.
“Tingin ko sa akin ang problema. Matagal-tagal din akong hindi tumugtog kaya siguro kailangan ko nang praktis.”
YOU ARE READING
Scarlet of Arrows (Book 1)
FantasyScarlet of Arrows Trilogy (Season 1) Originally Started: July 2014 Started: November 30, 2021 Status: on-going ✿✿✿✿✿✿ Ang buhay na mayroon si Cresentia ay hindi katulad ng mga batang prinsesa sa isang palasyo. Sa batang edad na labing-limang ta...