Content warning. Read at your discretion.
***
KABANATA 30
Patunayan ang pag-ibig...
Huminto sa pagguhit si Sandra. Ibinaba niya ang lapis at minasahe muna ang kanang pulso, mga daliri, at palad.
Pagkuwa'y napatitig siya sa hindi pa natatapos na larawan. Natulala. Sa ganoong puwesto siya naabutan ni Tita Grasya.
Walang kahit anong salita, umupo ito sa kanyang tabi. The both of them remained silent. It was not the first time.
Si Tita Grasya ang nag-imbita sa kanya sa simbahan noong unang taon nilang magkakilala. There's a ministry for the grieving. Tita Grasya was one of the volunteers.
Hinayaan siya nitong magkuwento tungkol kay Uriah, at hindi siya iniwan ni Tita Grasya kahit sa bandang gitna hanggang dulo ay hindi na siya makapagsalita dahil nalulunod na sa mga luha.
Hindi lang isang beses iyon. Maraming beses sa loob ng tatlong taon. Sapagkat ganoon pala ang paghilom at pagbangon mula sa pighati. Hindi tuloy-tuloy. Bako-bako. Tataas-lulubog...
May mga araw na akala ni Sandra, tapos na ang pighati at bumalik na ang sigla ng buhay. Subalit natatagpuan niya na lang ang sarili kinabukasan na muling nakalugmok at hinahanap si Uriah. Dagdagan pang nangungulila siya sa Monte Amor, sa mga pamilyar na mukha katulad nina Dalia... Ni Estefan.
There were bright and easy days, then it sometimes ended with inconsolable crying in the night.
Pagod na si Sandra umiyak, pero ang kanyang puso'y hindi pa natatapos.
Grief is not a phase that one could easily conquer or get by. Grief makes you feel how physically alive you are, but dead inside. Grief blinds you from the hope that there still is.
Kaya't nang makaahong tuluyan si Sandra, sumasama na rin siya kay Tita Grasya sa paglilingkod para sa mga namatayan.
Ang iba'y nawawala sa katinuan o nagpapatiwakal. O di kaya'y nakakapanakit din ng iba, at kung matinding galit pa'y nakakapatay...
Tama si Estefan sa pahayag nito noon. Hindi pare-pareho ang tao sa paraan ng pagluluksa. In fact, some could try and handle it well outside. But no one could perfectly manage the sorrow inside.
Isa lang si Sandra sa maraming nawalan at nabaliw, namatayan at nagalit, at wala nang makitang rason kung paano pa magpatuloy sa araw-araw.
Those who cannot understand what intense grief can do to a person, she prays they won't have to experience it at all. Mas mabuti nang hindi na lang sila maintindihan ng iba kaysa maranasan pa ng mga ito ang pighating dala-dala niyon.
Everyone will lose someone.
But not everyone would exactly understand the pain of losing someone because of murder—the thought that a loved one's beautiful soul was easily snatched away by the dark ones...
Kahit nakuha na ang hustisya, minsan ay hindi pa rin sapat. She would deny, get angry, bargain, and be depressed all over again... Over and over.
Until those stages went shorter and shorter each time she passed through it. The only moment she fully accepted Uriah's death was when Sandra accepted Christ in her heart, too.
Grief—it may not go away. Ngunit hindi ibig sabihin ay wala ng pag-asa. Sapagkat mayroon pang nakaabang para sa naniniwala.
"God blesses those who mourn, for they will be comforted."
BINABASA MO ANG
Pagkatapos Ng Lahat (Valleroso #4)
Spiritual4th Book of Valleroso Series. Gaios Estefan Valleroso.