Ang Wakas (I)

2.6K 209 49
                                    

This is the last (for now) for the kindest Valleroso. 🩷

Valleroso Clan Series is composed of 16 books (4 books each generation). 1 generation done, 3 more generations to come. Next generation will probably be posted in 2027.

For now, I'm completing the Lemuel Brothers series. I hope you give it a try, too. See you there!

***

***

ANG WAKAS

Naniniwala man o hindi ang isang tao, hindi maipagkakailang lahat ay humahangad ng tagapagligtas.

To be saved from their loneliness, illness, debts, brokenness, abuse, insecurity, sorrow, and so on.

Everyone needs a savior, even those who said they do not. Sa maraming pagkakataon, pag-ibig ang sumasagip sa marami.

At the tender age of seven, Estefan was quietly watching his older brother happily walking away with his friends.

Nais niyang mainggit na mas masaya ang kanyang kapatid sa mga kaibigan nito kaysa sa mismong pamilya nila. Napabuntong-hininga ang batang si Estefan. Nanatili lang siya sa taas ng bintana at nakatanaw hanggang sa mawala sa paningin ang kanyang kapatid.

Sana'y dumating ang panahon na papansininin na siya ni Kuya Arc. Naniniwala naman si Estefan, eh. Magiging mabait din siguro ang kapatid sa kanya...

"Estefan! Estefan!"

Napakurap siya at napasilip sa ibaba ng balkonahe. Sumilay ang maligaya niyang mga ngiti. "Uriah!"

"Estefan!" Masiglang kumaway-kaway ang dalawang braso ng kaibigan habang nakatingala sa kanya. "Halika, Estefan! Samahan mo 'ko!"

Kumaway din siya rito. "Maglalaro ba tayo?"

"Oo! Punta tayo doon sa simbahan! Maraming bata ngayon doon! Sumali tayo!"

Sabik na bumaba si Estefan at lumabas ng bahay. Inabot agad ni Uriah ang kamay niya at hinila siya palabas.

Nagtatawanan sila habang tumatakbo papunta sa munting kapilya. Hindi iyon ang malaking simbahan sa bayan nila, ngunit marami ngang bata sa labas niyon.

May dalawang dalagang guro ang nasa harap at kumakanta-kanta. Sinasabayan iyon ng palakpakan at kaunting indak na ginagawa ng mga bata.

"Ang lahat ng mga bata, iniibig ni Hesus!" pag-awit ng mga ito.

Hinila pa siya ni Uriah hanggang nasa gitna na sila ng iba pang mga bata. Estefan turned to Uriah, and he started singing and dancing.

Tumingin siya sa buong paligid at mukhang masaya ang lahat. Kaya't itinaas niya ang mga braso at ginalaw ang katawan katulad ni Uriah.

Nakikanta at nakisayaw sina Estefan at Uriah sa mga ito. Iwinagayway nila ang mga braso sa ere. Iikot nila ang mga katawan at saka ikekembot ang mga balakang, kasabay sa mga kapwa bata.

Sa tuwing nagkakasalubong sila ng tingin, naghahagikgikan sina Estefan at Uriah. Mabilis niyang nakakalimutan ang kalungkutan sa bahay sa tuwing salbahe sa kanya ang kapatid.

Sapagkat nandyan naman si Uriah at sasagipin ang mga araw niyang tahimik at matamlay.

Pagkatapos ng kantahan at sayawan, pinaupo ang lahat ng mga bata sa isang mahabang kawayan. Nasa labas lang silang lahat at mabuti'y hindi gaanong maaraw. Malaya at presko ang ihip ng hangin habang nagbubuklat ng Bibliya ang isang dalaga na nagtuturo ng kanta at sayaw kanina.

Pagkatapos Ng Lahat (Valleroso #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon