"So, kelan kayo nagka-kilala? Kelan kayo naging friends?"
Habang nag uusap si Liam at Pancho ay kumakain lang ako habang kaharap silang dalawa. Nasa isang karinderya kami ngayon malapit sa building na nilabasan namin kanina.
"Actually, Ena and I aren't really that close. Ngayon nga lang kami nag kita ulit e, but I knew her from junior high." sagot naman ni Pancho sa usiserong bading na 'to na akala mo siya si Tito Boy.
Sa tuwing titingin naman sila sa gawi ko ay kapwa ko sila iniirapan. Kung pag usapan ako akala mo hindi nila ako kasama e.
Ito namang si Liam parang kanina lang masama pa ang tingin niyan kay Pancho nang lumapit sa amin pero ngayon parang mas matagal na silang magkakilala. Eksena talaga 'yan siya.
"Ay ganun? Ganyan talaga siya no? Hindi pala-kwento. Magugulat ka na lang talaga sa mga rebelasyon sa buhay niya!" umirap pa sa akin si Liam bago nagpatuloy sa pagkain.
"I thought so too, even before," ani Pancho at tsaka tumingin 'rin sa gawi ko.
Nang makita niyang naka tingin 'rin ako sa kaniya ay mabilis itong nag iwas at ibinaling muli ang atensyon kay Liam.
At ano namang ibig sabihin ng pa 'even before' niya?
Kinalaunan ay natapos na 'rin ang klase naming tatlo at dahil kaklase ko na naman si Pancho sa last subject ay sumabay na naman siya amin palabas.
Kainis. Bakit ba kasi sama nang sama 'tong tao na 'to. Wala ba siyang friends? Wow. Nag-salita ang maraming friends. Pero bakit ba kasi lagi siyang naka buntot!
"May dala akong sasakyan. Gusto niyo bang sumabay na lang?" bigla ay nag prisinta ang ungas.
"Ay taray! May tsikot! Tara bebe sabay na tay-
"Hindi na."
Hindi ko na pinatapos si Liam sa sasabihin niya at mabilis ko na siyang hinila para mag lakad pero nag pumiglas ito.
Maliban kasi sa nahihiya ako ay baka mamaya masanay 'to si Liam kay Pancho. Mabilis pa naman 'to ma-attach sa tao. Lalo ngayong hindi ko alam kung anong motibo nito at biglang naglala-lapit!
"Huy! Ayos ka lang? Ayaw mo ba ng libreng pamasahe?" ipinagkrus pa ni Liam ang kaniyang mga braso sa dibdib habang naka taas ang kilay na naka tingin sa akin.
"Oo nga?" singit ni Pancho kaya naman ay sinamaan ko ito agad ng tingin pero imbis na matinag ay nagawa pa nitong ngumisi na tila gustong-gusto niya ang mga nangyayari.
"Okay lan-
"Isn't it much convenient for you since-
YOU ARE READING
It's okay, it's you
Novela Juvenil"Let me at least show you... that I can love you properly this time." Elysien was never selfish. She will offer whatever she can, even the things she don't have for the people she holds dear in heart. But life isn't always as forgiving. At every mo...