"Ang damot Meo, ah!" reklamo ni Therese nang hindi ko siya sinagot.
Alangan namang sabihin ko tapos by details pa. Nakakahiya. May hiya pa rin ako kahit gano'n at dapat confidential na 'yung mga gano' n. Ang bruhang 'to!
I rolled my eyes at her. "Basta, tinanong ko lang kung nilalandi niya ba talaga ako, 'tas ayon.." I just shrugged while pouting. "Tinanong niya rin ako kung gano' n din ba ako sa kaniya, well..." I shrugged again as I smiled poutingly.
"Magkaka lovelife na ang frenny ko!" ngisay na kilig ni Therese at may payugyog pa sa aking balikat.
"Pero Therese, hindi niya naman talaga sinabi na gusto niya 'ko. Sinagot niya lang ang tanong ko kung lumalandi ba talaga siya sa' kin."
Hindi siya pumapatol 'pag hindi niya gusto. Naintindihan ko ang sagot niya pero gusto ko pa ring marinig ng malinaw, deritso at klaro if he really likes me. Not in a flirty way.
Sinapak niya ulit ako sa braso. "Huwag ka ngang pa-feeling manhid. Ano pa ba ang ibig sabihin ng landing 'yan kung gano' n? Ano, lumalandi dahil sa kalibugan?"
"I don't know, Therese. Siya lang ang nakakaalam."
Para akong nanghina. What if? Hindi naman siguro tigang ang lalaking 'yon. Lumalandi lang ba siya dahil sa mga ganoong bagay lang?
"Gaga ka! Kahit ganun 'yon ka barumbado kausap, mabait 'yon, Meo. At sa tingin mo ba erereto kita sa mga lalaki diyan na puro kalibugan lang ang alam? Huwag ka ngang ano diyan. Dapat kasi tinanong mo rin ng maayos kung talagang gusto ka nun, hindi 'yung ganiyang tanong. Kung ayaw mong mag overthink tungkol diyan. Huwag na kayong pakipot para kayong mga bata naglalandian." she scoffed.
She's right. Pero kailangan ko rin kasing alamin muna kung talagang lumalandi siya. Nakakahiya namang diretsohin ko kung gusto niya ako, e, mag-iisang buwan palang kaming magkakilala. Mag-iisang buwan ko pa siyang kilala.
Fine! Tatanungin ko siya. Hindi naman ako torpe, eh, pagdating sa ganito.
My phone vibrated, at nakita kong may message galing kay Cj. Namilog ang mga mata ko at bahagyang nagising galing sa mga iniisip.
Cjliveros:
Emo
Kumunot ang noo ko habang tumitipa ng reply sa message niyang hindi ko gets.
Me:
What?
He replied quickly.
Cjliveros:
San ka?
Me:
Inside our room, obviously.
Simula kahapon at kaninang umaga, hindi ko pa siya nakita. Kahit nasa isang University lang naman kami, hindi kami nagkasalubong man lang.
Cjliveros:
May klase ka pa ba?
Me:
Nope, tapos na. Why are you asking?
Cjliveros:
Wala, gusto sana kitang makita.
My brow arched as I cleared my throat.
Me:
Why? Miss me?
I smirked as I teasingly asked that question. Ang landi-landi, Meo! Well, I already admitted. Papanindigan ko na. Kinabahan tuloy ako sa magiging reply niya kaya napakagat ako sa aking pang-ibabang labi.
Cjliveros:
braso HAHAHAHAHAHAH
My brows furrowed at his reply. Tinitigan ko iyon at inaanalyze nang hindi ko ma gets. Anong braso?! Am I this slow now or nakakabaliw lang talaga ang lalaking 'to?! Yung humor niya talaga minsan hindi ko maintindihan. Nakakabobo.