30

4.3K 148 28
                                    


Wise Lim

Mula rito sa malayo, I watched Aliana, she was sitting on the bench in front of the classroom. Hinihintay niyang matapos ang klase ni Clover. I've been here for a while now, but I haven't dared to approach her. I just let myself watch her. Ilang sandali pa lumabas na sa classroom ang mga bata, at si Clover patakbong lumapit sa kanya.

Kuntento na akong makita sila mula rito sa malayo. I do this every day without them noticing me, halos isang linggo na rin ata akong palihim na nakasubaybay sa kanila.

Tumayo si Aliana, hawak niya ang kamay ni Clover. Naglalakad sila palabas ng gate, nang mapalingon si Clover dito sa kinaroroonan ko hindi ko iniwas ang tingin ko kaya nakita ko ang magandang mukha ng aking anak, hindi rin siguro niya ako makikilala dahil malayo ako sa kanila.

Pinalipas ko ang ilang sandali bago ko sila sinundan. Until they got into the car and left. Huminga ako ng malalim saka nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa sumakay ako dito sa kotse ko. Nagmaneho ako, sinundan ko ang kotse ni Aliana, gusto ko lang makasiguro na ligtas silang makakarating sa shop na dalawa. Nang makasiguro akong ayos lang sila at nakarating na sa shop, umuwi na ako.

When I arrived home, I was greeted by pure silence. Wala si Dad dahil nasa opisina siya. Sinilip ko ang dating kwarto ni Aliana at ni Vonn. Natatakpan na lamang ng puting tela ang mga gamit pero habang pinagmamasdan ko ito, biglang nagbalik tanaw sa isip ko ang mga maiinit naming sandali ni Aliana sa loob ng silid na ito, kahit ang kanyang mga halinghing at mga ungol ay tandang tanda ko pa. Ngayon, bawat sulok ng bahay ay napakatahimik na.

Dahan-dahan kong isinara ang pinto saka ako pumasok dito sa kwarto ko. Dinampot ko ang picture frame na nakapatong dito sa bedside table. Kasama ko si Yves sa larawang ito, pareho kaming nakangiti at magkasintahan pa lang kami nito noon. Siya ang naglagay ng pictire namin dito sa kwarto ko. Ibinalik ko ito kung saan ko kinuha.

Umupo ako rito sa gilid ng kama saka ko pinagmasdan at hinawakan ang wedding ring sa daliri ko, kasabay nito ang pagring ng phone ko.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Aliana Arceta

Sinusubukan kong tawagan si Wise, nakuha ko ang number niya sa caller ID ng landline pero hindi siya sumasagot. Pagkatapos ng tatlong magkakasunod na tawag hindi na ako nag-attempt pa.

Baka sadyang hindi siya sumasagot dahil galit siya sa akin sa nangyari nong huli siyang pumunta rito sa shop, kung paano ipamukha ni Vonn sa kanya na hindi siya ang kinikilalang magulang ni Clover at si Vonn ang mahal ng anak namin.

"I want to see her, mama."

"Don't be sad. Gagawa si mama ng paraan para matawagan ko ang bestfriend mo, okay?"

Clover is still looking for Wise. Nakakapagtaka dahil hindi niya ito makalimutan. Kahapon iyak siya ng iyak dahil hindi pa raw niya naibibigay yong gift na ipinangako niya. Unang pagkakataon iyon na umiyak ng sobra ang anak namin.

"Mama, maybe she doesn't want just one gift, so I'll give her two."

"Don't worry too much about the gift, okay? Nandito naman si Mama para maging bestfriend mo."

She pouted, alam kasi niya ang pagkakaiba ng mama at bestfriend. Mama lang daw niya ako, at si Wise ang bestfriend niya. Meron na siyang pagmamahal kay Wise, hindi nga lang bilang magulang pero bilang kaibigan, pero mukhang malalim ang pagmamahal na iyon dahil hanggang ngayon bukang-bibig niya si Wise. Hindi kaya lukso ng dugo ang nararamdaman ng anak ko?

Pag-uwi dito sa bahay, sabay kaming kumain ni Clover, sabay din kaming naligo. Pero pagdating ng eight PM pinatulog ko na siya dahil hihintayin ko si Vonn para kausapin.

PATH OF HATE 🔞(Mikhaiah)Where stories live. Discover now