CHAPTER 13

12.2K 594 90
                                    


-

"Ang laki ng campus nyo, Rhea! Kahit saan ako tumingin nangangamoy pera." Manghang-mangha si Pax sa kanyang nakikita, kahit ako nong first day ko rito ay halos hindi rin ako makapaniwala na eskwelahan ito.

Mamaya pa klase ko 10:30 kaya pinasyal ko muna siya sa campus. Natanggal nga pala siya sa kanyang morning na schedule na trabaho at napagkamalan na ninakaw ni Pax ang cellphone ng customer niya kahit hindi niya naman ginawa. Sobrang lungkot niya kanina nong tumawag kaya sabi ko pumunta siya ng school at ililibre ko.

"Angas! May mall kayo dito?!" Natawa ako sa kanyang reaksyon, same talaga kami ng reaksyon noong una ko rin nakita ang mall.

Inakbayan ko ang kaibigan. "Paano na yan at wala ka na trabaho sa umaga?" Tanong ko.

"Problema ba yun? hanap ako ng iba. Malaki nga sahod ko sa trabahong yung pero ayaw ko sa ganong environment, walang tiwala sa empleyado nila." ngumiti ako at masipag masyado ang kaibigan kong ito.

"Pasok tayo, libre kita." Aya ko sa kanya at pumasok kami ng mall. Grabeng mall to at puro luxurious brands ang nandito, pati mga pagkain at restaurants pang high-class masyado pati presyo puro dollars!

"Rhea, puro mahal nandito eh! Afford mo ba ha? Bibilhin ko talaga yung mga mahal." Hinahamon ata ako ni Pax, hindi nalang ako sumagot at tignan natin kung anong gusto niya bilhin.

"Daming maganda sa school mo no? Tapos amoy expensive pa." Ewan ko sa kaibigan ko, imbes sa mga bagay mag focus ay nasa mga babae atensyon niya.

"Nakatikim ka na niyan, Rhea?" Turo niya sa Starbucks.

"Oo,gusto mo?" Tanong ko.

"Hindi pa ako nakatikim niyan, masarap ba? Ano meron dyan?" Hindi ko nalang ito sinagot at kaagad hinila papasok ng Starbucks, medyo maraming students at may nakikita rin akong ibang professors.

"Hanap ka ng pwede natin maupuan, dalian mo at baka maunahan ka" Utos ko kay Pax at baka maubusan kami ng table. Hindi ko na siya tinanong kung anong gusto niya at sasabihin naman non ako na ang bahala basta masarap.

Bumili ako ng dalawang chocolate croissant, isang caramel macchiato para sa akin at iced caffè latte naman para kay Pax. Pagkatapos kong magbayad ay hinintay ko nalang muna ang order bago hinanap ang kinaroroonan ni Pax, pagkatapos ko makuha ang order ay kaagad ko hinanap ang kaibigan ngunit hindi siya mahagilap ng mga mata ko dahil sa dami ng tao.

"Rhea!" Tawag niya sa akin, kaya naman pala hindi ko makita kasi natabunan siya ng mga tao. Papalapit ako ng papalapit sa kanya at napansin kong hindi pala ito nag-iisa sa table at may dalawang babaeng kasama.

"Uy, sino nauna sa table?" Tanong ko sa kanya.

"Sila." Sabay turo niya sa mga babaeng kaharap at ngumisi. Kaagad ko nilingon ang kanyang tinutukoy at nagulat nang mapagtanto na si Ines pala ang isa sa dalawang, ngunit mas hindi ko inaasahan ang kanyang kasama-Bakit nandito ang asawa ni Iris?

"G-Goodmorning po!" Bati ko sa dalawa at tinulak ang ulo ni Pax upang magbigay galang sa dalawa. Pag angat ko ng ulo ay nahiya ako kasi sa akin sila nakatingin kaya ang ginawa ko ay hinila ko si Pax,

"Diba sabi ko hanap ka ng bakanteng table? alis na tayo at baka nakakaabala tayo." Bulong ko kay Pax at napansin ang mga nagkalat na litrato sa lamesa. Ang alam ko pulis ang asawa ni Iris, malamang nag-uusap sila tungkol sa case?

"Ano ka ba Rhea, uupo ba ako rito kung hindi ako humingi ng pahintulot sa kanila? Ayos lang sabi nila, diba po?" Lihim kong binatukan ang sarili. Hindi nga pala niya alam na professor si Ines dito at isang Everleigh Ponferrada kaharap namin ngayon.

ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ (ꜱꜱ) : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ʀʜᴇᴀ ᴡʀᴇɴ ᴀᴍʙʀᴏꜱɪᴏ (ɪɴᴛᴇʀꜱᴇx) Where stories live. Discover now