Queen Leigh Hernandez POV
**
"Hey..".
Pinanood ko ang marahang pag lapit ni Ford sa gawi ko.
"What do you want?". Walang ganang tanong ko.
"I'm sorry to bother you, Queen Leigh..". Pag-aalangang aniya bago marahang ngumite. "I just wanted to thank you sa pag tatanggol mo kay mommy kanina kay Ms Yuri Han. "If you didn't do that, I'm sure she will insult my mom in front of everyone until we finish eating.".
Ngumiwi ako.
"Mali ka ng akala Ford..".
"H-Huh? What do you mean?".
"Kung iyung kanina ang tinutukoy mo ay nag kakamali ka ng akala. Ginawa ko iyun hindi dahil gusto ko kayong ipag tanggol ng mommy mo".
"K-kung ganun bakit mo ginawa iyun?". Bakas sa mukha niya ang pagka dismaya.
"Wala lang.. Gusto ko lang talagang inisin si Yuri Han. Masiyado kasi siyang maingay kanina e... Nag kataon naman na ayaw ko ng maingay kapag Kumakain ako kaya ko ginawa iyun". Natatawang saad ko na ikinagulat niya.
"Alam mo ba na iilan lang ang mga tao na nakagagawang isultuhin ng ganun si Ms Yuri Han maliban kay Uno". Animo'y na mamanghang aniya.
Ngumisi lang ako sa tinuran niyang iyun.
"Pero salamat parin, Queen.. siguro nga hindi para sa amin ni Mom yung ginawa mo but still, para sa akin ay nakaganti kami ni Mom sa tulong mo". Senserong aniya. "S-Siya nga pala about sa Nangyare kaha---".
Matunog akong bumuntong hininga at hindi pinakinggan ang huli niya sanang sasabihin. Ayaw ko kasing pag usapan pa iyun dahil baka mainis nanaman ako kay Ford. Mas intresado akong alamin kung anong totoong nagaganap sa Khairuz Company. Pakiramdam ko ay kailangan kong malaman ang lahat ng iyun lalo pa sa narinig kong naging paguusap ni Ford at ni Mrs Kirsten Khairuz kahapon.
"May point naman talaga iyung sinabi ko kanina e. Ang alam ko ay mas mataas ang posisyon ni Ms Kirsten Khairuz kaysa kay Yuri Han noon. Bakit para yatang nag bago ang lahat after ma-Ospital si Chairman Garp?". Intresadong tanong ko na bahagya niyang ikinatigil. Tila ay bigla siyang nabalisa sa mga sandaling ito ng dahil sa naging tanong ko.
Smirked.
"Ano nga bang nangyayare sa Khairuz Group of Company? Bakit nga ba Ikaw at hindi na si Uno ang CEO ng Kumpanya at bakit si Dawson ang napiling pumalit kay Director Garp? I'm confused..". Ngumise ako.
"Q-Queen..". Mariin siyang lumunok.
"Pwede ko ba kayong maabala?".
Pareho naming nilingon si Dawson nang bigla na lamang siyang sumulpot sa harapan namin ni Ford.
"K-Kuya Dos..". Animo'y kabadong pag tawag sa kaniya ni Ford bago muling bumaling sa akin. "Mauuna na ako sa'iyo, Queen Leigh..".
"Hmmm..". Tipid na anas ko bago siya pinanood na Tuluyang makalayo.
"I heard what happened sa party ni Auntie Ysabelle. I can't believe na magagawa kang saktan ng girlfriend ni Uno at wala manlang siyang ginawa upang ipag tanggol ka". Animo'y naiinis na anas ni Dawson bago marahang hinawakan ang kamay ko. "Kung nandun lang ako ay sisiguraduhin ko na walang makakapanakit sa'iyo, Queen. I'm going to protect you from anyone at hindi ko hahayaan na hawakan nila ni dulo ng daliri mo".
"Really?". Peke akong ngumite bago marahang binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "Sayang naman dahil wala ka nung gabing iyun.. pero kahit naman nandun ka ay sigurado ako na hindi ko rin kakailanganin ang tulong mo, Dawson. I can take care of myself and I need no one to protect me".
"Galit kaba sakin dahil sa ginawa ni Mom kanina?". Takang tanong niya.
"I'm not mad at you Dawson and correction... Wala akong pakealam sa nanay mo. Sadiyang nag sasabi lang talaga ako ng totoo". I smirked.
"Okay then, pwede ba kitang yayaing lumabas bukas? Kain tayo kahit saan mo gusto". Pagbabago niya sa usapan bago mariing ngumite. "My treat..".
"I'm sorry pero ayaw ko, Dawson.. Wala akong gana".
Ngumuso siya.
"Dun nalang tayo sa may Karinderya na dating pinag kakainan natin ng pansit? Favorite mo yun dati diba? Naaalala ko pa nga palagi mo akong niyayaya kumain dun nung tayo pang dalawa". Pangungumbinsi niya. Pinanood ko siyang mag kwento at pagkatapos ay naging matunog ang aking pag buntong hininga.
"Didn't you get it, Dawson? Ayaw kong lumabas kasama ka". Mariin akong bumuntong hininga. "I know you're still expecting na babalik pa tayong dalawa sa dati pero imposible na'iyun Dos. Malabo nang mangyari yun kaya please lang huwag mo ng pahirapan ang sarili mo". Deretyang saad ko na kaagad niyang ikinatahimik.
"Eh Kay Uno?". Bahagya akong natigilan. Naging seryoso ang kaninang naglalambing na boses ni dawson. "Umaasa ka parin bang babalik kayong dalawa sa dati?".
Inilihis ko ang aking paningin.
"I am not obligated to answer your question". Malamig na sagot ko.
"Tingin mo ba talaga ipag papalit ka niya Kay Cyrine Fox Lovereigh? Sa babaeng matagal niyang inasam na makasama? Sa babaeng Una niyang minahal bago ka pa dumating sa buhay niya, Queen?". Mayriing aniya habang nakahawak sa magkabila kong balikat. Kaagad kong sinalubong ang kaniyang nanlilisik na mga tingin at pagkatapos ay seryosong ngumise.
"You know nothing about me, Dos". Makahulugang saad ko habang deretyang nakatitig sa mga mata niya.
"Q-Queen...". Puno ng hinanakit niyang pag tawag sa aking pangalan.
'I'm sorry Dawson but I need to do this.. Kung kinakailangan kitang saktan ay gagawin ko para lang magising ka na sa katotohanan. Nang sa ganoon ay maiwasan natin ang magkasakitan hanggang sa huli'
"Matagal ko ng tinuldukan ang lahat sa ating dalawa, Dos. Minahal kita noon at hanggang doon nalang iyun. Kahit na anong gawin mo ay hindi mo na mababago ang isip ko, gayun din ang puso ko.. Ano man ang rason ko ay hindi na mahalaga pa". Seryosong anas ko habang pinapanood ang marahang pag agos ng kaniyang luha. "Matagal ng nawala ang nararamdaman ko sa'iyo, Dos. Maaaring masakit pero iyun ang katotohanan na kailangan mong marinig. Patawad pero hindi na kita mahal".
Kaagad niya akong itinulak ng marahan. Pinanood ko siyang punasan ang kaniyang mga luha at pagkatapos ay binigyan ako ng isang pekeng ngite.
"I'm going to do everything, then.. gagawin ko ang lahat para bumalik tayo sa dati. Para bumalik ka sa akin at para bumalik ang lahat ng nararamdaman mo para sa akin". Animo'y desperadong aniya bago matamis na ngumite na animo'y walang nangyaring Tensyon sa pagitan naming dalawa.
"Bakit ba napaka Selfish mo, Dawson!". Nauubusan na ng pasensyang asik ko. Pinanood ko siya ng marahan niya akong talikuran.
"Kung iyun lang ang tanging paraan para huwag kang mawala sa akin ay gagawin ko, Queen..". Malamig na aniya na ikinagulat ko. "Loving you in a selfish way is better than losing you in a painful way".
*
🦊✏️
BINABASA MO ANG
Loving my Ex-Boyfriend's brother (THE SEQUEL)
Novela Juvenil"Life is Like a Gambling. It's up to you if you're gonna play with it or you're gonna let yourself lose the game and so does love". - Queen Leigh Hernandez/Cyrine Fox Lovereigh "Lying is part of our life. the more you lie the less you feel the pain...