33🔞

12.6K 222 71
                                    

Aliana Arceta

Ang mga sumunod na araw namin ni Clover ay puno ng saya at pagmamahal, kahit kami lang dalawa ang magkasama. Wala akong iniisip kundi ang asikasuhin siya at itong business na bumubuhay sa amin ngayon. Hindi maramot si Vonn pero hindi ko na siya inobliga na magbigay pa. And I never ask anything from him even after filing the divorce. Sapat na sa akin na iniwan niya sa amin ni Clover yong bahay. Nagbibigay naman si Wise para kay Clover mula pa noon, sa isang bank account ko pero hindi ko iyon ginagalaw. Ibibigay ko iyon sa anak namin kapag nasa tamang edad na siya.

Two weeks na mula nong umalis si Wise papuntang ibang bansa, nakakausap niya si Clover thru call kaya hindi masyadong nangungulit sa akin ang anak namin na makasama siya. Walang araw na hindi sila naguusap na dalawa, lalo na sa gabi. Sometimes Clover falls asleep during the call, and I can still hear Wise on the other line, na tila ba binabantayan niya ang anak namin kahit nasa malayo siya. Kaya siguro ganito kabilis mapalapit ang loob ni Clover kay Wise dahil nararamdaman ng anak namin na binibigyan siya ng maraming panahon at atensyon, sa murang edad naiisip niyang espesyal siya kay Wise.

Tumatawag din si Vonn kay Clover, at hindi nawawala sa bata ang pagka-excite kapag nakakausap ang papa niya. Iba lang talaga ang kaligayahan niya kay Wise, because Wise made her feel like they were bestfriends, at ngayon itinuturing na rin niya ito bilang dada.

Sa kabila ng lahat, nakakatuwa pa ring isipin na ang mga taong nakapaligid kay Clover ay minamahal siya ng walang kapantay. Makita ko lang siyang masaya, doble ang hatid non sa akin.

"Ma'am nandyan na yong magpi-pick up ng 300 tubs ng icecream." saad ni Sheena kaya naputol ang pag-iiisip ko.

"Okay sige." Kinuha ko yong listahan ko, at habang inilalabas ang mga products sa freezer ng mga tauhan ko ay minamarkahan ko ng check ang hawak kong papel. Iba't ibang sizes kasi at flavor ang kinuha nila, mula small hanggang sa pinaka mabigat. Pagkatapos maipasok lahat ng products sa kanilang close van, nagprint ako ng resibo at naibigay na rin sa akin ang bayad.

"Thank you, Ma'am." saad ng buyer.

"Salamat din, ha."

Hinintay ko ang pag-alis nila saka ako bumalik dito sa counter para i-check kung kailangan ko nang mag restock ng mga paninda. Mukhang ang kailangan kong dagdagan ay ang mga buns, mabenta kasi ang tinapay na may palaman na ice cream para sa mga dine-in and take out orders.

"Sheena, i-follow up mo mamaya yong order natin sa supplier ng tinapay. May gagawin muna ako, at pupunta ako sa grocery mamaya."

"Yes, Ma'am." sagot nito.

Kinuha ko ang cellphone ko para mag-search ng masarap na pagkain para kay Clover. She's not picky, pero madali siyang magsawa kapag paulit-ulit ang niluluto kong ulam para sa kanya. Kaya madalas ginagawa kong creative ang mga hinahanda kong pagkain niya para lalo siyang ganahan.

Habang naglilista ako, narinig ko ang pagbukas ng maindoor pero hindi ko iyon pinansin dahil alam kong nandiyan ang mga staff ko para mag-asikaso sa mga customers, kaso hindi ko narinig na bumati sila ng good morning kaya napaangat ang tingin ko.

Kaya naman pala hindi sila umiimik dahil pamilyar na sa kanila ang taong pumasok rito. "Wise....." sambit ko.

"Hi, Aliana." Nakangiti niyang bati.

"Oh, hi." tugon ko. Hindi ko inaasahan na pupunta siya rito sa shop. Kapag tinatanong kasi siya ni Clover kung kelan sila magkikita ng personal ang lagi niyang sagot ay 'I'm coming home as soon as I can, baby. Just you wait, it'll be a surprise.'

Ako ata ang nasurpresa. Ang counter lang ang nagsisilbing pagitan naming dalawa. At mukhang nagpapakiramdaman kami kung sino ang susunod na magsasalita.

PATH OF HATE 🔞(Mikhaiah)Where stories live. Discover now