Ethiopia's Medical Vicinity..."Where is Dr. Kedhun? Where is Dr. Kedhun? There is at least 4 person dying here!," tawag ng isang nurse habang patakbong hinahanap ang isa sa tatlong doktor nila.
"Have you forgotten? Dr. Kedhun was ill yesterday and this morning he confirmed that he is infected with the disease too," sagot sa kaniya ng isa pang nurse habang ginagamot ang katabing bed na meron ding sakit.
Lumipas ang ilan pang oras at nasawi na ang marami sa nagkasakit.
Pagod at lungkot, hindi na bago iyon sa vicinity na ito.
Isa si Nurse Marquel sa pursigidong magamot at maligtas lahat ng pasyenteng narito. Napaupo siya sa isang upuan habang tumulo ang isang butil sa kaniyang mga mata. Lahat na ginagawa nila para mabigyang lunas ang sakit pero wala talaga.
Bigla na lang itong sumiklab na parang epidemya sa isang lugar sa Ethiopia.
Yung ibang bansa naman ay tila walang pakialam sa kung ano mang kinakaharap nila ngayon.
Nagpapadala nga sila ng mga doctor pero pagkalipas ng ilang araw na kanilang pananatili ay umaalis ang mga ito dahil di daw nila kayang magtagal pa.
"Nurse Marquel, you can rest. Faddie is here already," sabi ng kasama niyang nurse.
Tumango lang siya at nagligpit na para umuwi. Madami silang local nurse dito. Yung mga foreigner naman ay di nakakatagal ng mahabang panahon. Pagkatapos mag picture at mag documentation ng mga ito ay umaalis ba din sila.
Sa totoo nga lang ay swerte na siya dahil malapit lang ang tinutuluyan niya. Sa lugar na ito kasi ang daming nakaambang kapa-hamakan. Kung hindi sakit ay nagkalat naman ang mga bandido at mga masasamang loob sa gabi.
Pagkalabas niya ng pagamutan ay nakita niya ang isang bulto ng tao na pamilyar sa kaniya. Nakasuot ito ng itim na blouse at lumang blue na pantalon.
"Edka," sambit niya. Nakatalikod kasi ang dalaga, naglalaro ng kung anong halaman sa kamay nito at halatang kanina pa ito naghihintay.
"Ate Marquel!," tawag nito sa kaniya.
Ang magkapatid ay hindi purong African. May lahi kasi silang Australian kaya hindi sila yung purong itim. Kayumanggi sila. Wavy lang din ang kanilang buhok at may sapat lang din silang makakain dahil nga nurse ang kaniyang kapatid.
"Anong ginagawa mo dito? At saka, nasaan ang mask mo? Delikado rito!,"sabi ni Marquel saka sinipat ang paligid.
"Ate, I thought you will not go home again, so I waited for you here," litanya ni Edka habang isinusuot na ang mask.
"You can't just go out when it is not something important. Paano kung mainfect ka din? Sino na yung mag-aalaga kay mama?,"sabi ni Marquel.
Napatingin si Edka sa paligid kung may tao. Nung makita niyang silang dalawa lang ng kapatid niya ang naroon ay ibinuka niya ang kaniyang mga palad at unti-unting lumitaw ang isang halaman na may pumpong na violet na mga bulaklak na kawangis ng rosas. Pero hindi ito rosas, isa itong halamang gamot na Dempis.
"Subukan mo ito ate," ibinigay ni Edka ang bulaklak sa kaniyang kapatid.
"Edka? Isa itong dempis at ang mga dempis ay isa sa mga uri ng nakakalasong halaman," saad ni Marquel na ikinailing lang ni Edka.
"No. Its safe. These days na wala kayo sa bahay ay hiniram ko po ang iba niyo pang mga libro at nabasa ko ang halamang "dempis". I tried to make that flower dahil tanging sa Greenland lang tumutubo ang bulaklak na iyon. Alam ko din pong nakakalason iyon pero ginamit ko po ang kapangyarihan ko para alisin lahat ng toxic chemicals na hindi naaalis ang mabisang anti-bodies na meron ito. Sinubukan ko po ito sa aso natin na nagkasakit din and it worked," ani Edka.
BINABASA MO ANG
The Elementals
FantasyInaakala ng ilan na katapusan na ng mundo, na unti-unti nang nasusunod ang mga nakatala sa Bibliya, na ito na yung Apocalypse. Pero walang katotohanan ang mga iyon, puro mga haka haka lamang. Sapagkat ang mga kakaibang pangyayari sa mundo ngayon ay...