Risa's POV
Today is my contract signing sa ECC and may interview din ako after that dahil sobrang lala na ng rumor about sa amin ni sonny and they wanted me to clear things out. Nag story lang ako sa ig ko at ng scroll saglit maya maya ay nakita ko ang post ni pia.
"Ohh single pala s'ya at mas matanda s'ya ng isang taon sa'kin"
"Wow! Landi nitong bading na'to", ni like ko ang post na iyon at nag ayos na para mamaya. Nang matapos ako sa pag aayos ay sumakay na ako sa kotse para pumunta sa ECC isa itong malaking company and kinikilala rin ito dahil sa successful at magaganda ang produkto nila.
Nang makarating ako roon ay naroon narin ang manager ko at ibang staff CEO nalang ang hinihintay at ako, hindi ko pa nakikilala CEO nila kaya na curious din ako hindi ko na search kahapon nakalimutan ko.
"Madam leni is here" sigaw ng isang staff nila at nag tayuan ang bawat isa kaya tumayo narin ako may mga flash ng camera kaya medyo nasilaw ako. Nang maaninang ko kung sino ang CEO nito ay nagulantang ako, what the hecks small world bulong ko sa sarili ko
"Bakit risa? May problema ba?" Tanong ng manager ko umiling nalang ako at tumingin sa harapan dahil mag speech na si leni este madam CEO.
"And i hope na we will have a good relationship and give our best at work yun lang thank you to everyone for making this possible things happen" At nag bow na s'ya sobrang humanga ako dahil ang professional n'ya, grabe hindi mo s'ya makikitaan ng kahit anong bakas ng tunay n'yang pag uugali. Tinawag na ako sa harapan upang mag speech at mag sign narin ng contract "Hello to everyone i would like to say thank you for choosing and trusting me, hindi ko kayo bibiguin" yun lang ang sinabi ko at nag bow sa lahat.
Tumayo na ako sa tabi ni madam CEO para mag picture at humarap kami sa isat isa at nag shake hands, ang ganda n'ya pala naka ngiti kase s'ya sa'kin na parang totoo yon ang hirap n'ya basahin.
"Oyy risa akala mo ba hindi ko nakita yang mga mata mo at bibig mo habang tinititigan mo si miss leni?!?" Nangunot ang noo ko sa sinabing iyon ng manager ko
BINABASA MO ANG
To Have Me 2 You
RomanceLeni Robredo is a CEO of ECC(elegance charm cosmetics) she's an introvert and only has a few friends everyone thinks that she's full of herself. And Risa Hontiveros is an actress and extrovert and has a lot of friends she's approachable unlike leni...