02: Gift

2 0 0
                                        

"Claire..."

"Accept me Claire..."

"Cla-"

"Amora! Gising na male-late kana!" Bigla naman akong napabalikwas dahil sa ingay ni mama! Hay nako naman! Di manlang natapos yung panaginip ko.

Ewan ko ba ha kung normal ba yung panaginip na parang same lang like connected sila ganun? Gets niyo ba? Kasi ang alam ko random ang mga panaginip pero yung akin parang magkakaparehas lang. Parang laging may tumatawag sakin, lagi kong naaanigan ang isang anino ng babae ngunit hindi ko makita ang kanyang mukha.

"Eto na po, pababa na!" Sigaw ko para marinig ako ni mama sa kusina.

Naabutan ko si mama na naghahanda na ng plato sa hapag-kainan kaya naman tinulungan kuna siya.

"Ma ako napo," kinuha ko sakanya yung ulam at kanin para ako na ang maglagay sa lamesa.

"Second day mo pa lang mukhang malelate ka ha." Sermon ni mama.

"Ma naman, alas-siyete palang po ng umaga at mamayang nine papo ang pasok ko. Kaya imposible po yan, responsable po itong anak niyo noh." Biro ko.

"Ikaw talagang bata ka, sige kumain kana dyan. Maaga akong aalis ngayon ha ikaw na bahala dito." Saad ni mama bago tumayo, mukhang maliligo na siya

"Una nako!" Sigaw ni mama pagkatapos ng ilang minuto.

"Sige po, ingat ma!" Sabi ko pabalik ng pasigaw para marinig ako. Hindi kuna sya sinamahan sa labas dahil nag huhugas ako ng plato.

Hindi naman gaanong kalakihan ang aming bahay, sa totoo lang sakto lang ito para samin. Dalawang kwarto ang nasa ikalawang palapag tag-isa kami ni mama. Sa unang palapag naman ay dalawang banyo yung panligo at pang labas ng sama ng loob. Hehe. Syempre nandoon rin sa palapag nayon ang sala, kusina at ang hapag-kainan namin.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa aking kuwarto ay bigla ko nalang naramdaman ang malakas na hangin. Saka ko lang napansin na nakabukas pala ang aking bintana.

Teka, sa pagkaka-alala ko eh sinara ko ito kagabi ah.

Hayst bahala na nga. Saka ko isinara ang bintana. Ulyanin naba ako?

Pagkalabas ko ng aming bahay napansin ko na may nakadikit na papel sa aming gate. Kinuha ko yun at itatapon na sana nang mapansin kong may nakasulat dito. Binuksan ko yun at binasa.

"Celestial Academy... Academy full of powers and mystery."

Ha ano daw? Academy full of powers and mystery? May ganun ba?

Nilukot ko nalang ang papel at binulsa upang magtungo na sa aming paaralan, mamaya ko nalang siguro itatapon toh.

Pagkapasok ko palang sa loob nang school nang biglang may tumawag sa aking pangalan.

"Claire!" Sinundan ko kung saan nanggaling yun at nakita ko si Kayla na papalapit saakin.

"Hi!" Bati niya sa akin.

"Ah hello!" Bati ko naman, medyo nahihiya ako dahil diko parin makalimutan yung nangyari nung first day.

"Papasok kana ba sa classroom niyo?" Tanong niya sakin.

"Ah oo eh,"

"Kung ganon sabay na tayo, sa pagkaka-alam ko eh same building tayo, saang floor kaba?" Tanong niya sakin habang papunta kami sa nursing building.

"Second floor, ikaw?" Tanong ko, dahil by year kasi dito at ang mga first year ay nasa second floor.

"Tamang-tama, second year ako so sa third floor pa ako! Ihahatid na kita sa room mo." Sabi ni Kayla.

Celestial AcademyWhere stories live. Discover now