THE STORY OF MY LIFE

0 0 0
                                    

I'm Zhaeryn Mitz Tordesillas, 15 years old, I live in Iloilo City, I want to share my life story about being a strong woman. Mahilig magbasa ng pocket books at makinig sa musika, mahilig din maglaro ng badminton, kumakanta rin..

August 29 2009 pinanganak Ako isa Akong Masayahing tao, minsan madaldal din at masungit, Meron akong mga kapatid, ako yung bunso mahirap ang aking pamilya pero nakakaraos din nung pinanganak ako Isang linggo ko lang nakasama Yung mother ko kasi Pina ampon nila ako kasi hindi nila ako kayang buhayin kaya simula nung lumaki na ako kilala ko naman sila pero hindi ako malalapit sa kanila. Nung elementary Ako nag aaral Ako sa isang private school kapag nakikita ko yung mga totoong magulang ko binibigyan nila ako ng baon pero ayaw ko lumapit sa kanila. Masaya ang buhay ko sa mga umampon sakin nabibigay nila yung pangangailangan ko hanggang sa minsan nakakasama ko rin yung totoo kong nanay pero palagi nalang ako umiiyak naalala ko pa nung iyak Ako ng iyak kasi iniwan muna Ako ng mga umampon sakin sakanya sinabi niya na kung ayaw ko sakanya mas ayaw niya sakin hanggang ngayon naalala ko parin.

When I was grade 5 kinuha Ako ng mga biological parents ko, nalipat din Ako sa public school at dun nadin Ako nanirahan sa Isang boarding house maliit siya pero kasya naman Kami simula nun mahirap mag adjust kasi Hindi ko alam kung ano yung mga ugali nila pero habang tumatagal lumala yung mental condition ko.

Simula nung dun na Ako nanirahan ang hirap ng buhay ko yung palagi kanalang naga adjust tapos tinatanggap mo nalang kung ano Yung mga sinasabi nila minsan yung mga kailangan ko hindi matustusan pero naintindihan ko kasi mahirap kami, dun din nasira yung mental ko yung palagi kanalang na compare sa mga kapatid mo kasi sila lumaki na kasama yung mga parents mo, Yung masabihan ka na mas mabuti pa Yung mga kapatid mo, dun din Ako nagkaroon ng anxiety depression and trauma yung iiyak mo nalang sa cr or sa kwarto na Hindi nila naririnig masakit makatanggap ng masasakit na salita Lalo na kung nanggaling sa pamilya mo. And may nakilala Ako na Isang church na sa harap lang ng bahay namin so sumama ako dun, mas dun nahirapan Ako kasi ayaw ng mother ko tapos dun sa church dun Ako masaya kasi parang ramdam ko yung pagmamahal pero sa pamilya ko hindi kapag nagsisimba Ako pag uwi ko nakakatanggap Ako ng sigaw at napapagalitan kaya ang hirap, Masaya sana kasi nakakalaro Ako sa labas pero ang hirap..

Simula nung nakasama Ako sa church dun ko nakilala si God sa tuwing may problema Ako sakanya ko sinasabi sa tuwing napapagod Ako sakanya ko iniiyak, naiisip ko din noon kung paano kaya tapusin ko yung buhay ko ilang beses ako nagtangka pero pinigilan Ako ni Lord nag iisip nadin ako ng mga suicide kasi kinakain ako ng depression ko wala akong makapitan, dun din nagstart na qinue question ko na si God kung bakit pinaparanas niya sakin toh nagalit nadin Ako sakanya pero pinaramdam niya parin sakin na nandyan para sakin.

Ilang beses nadin Ako lumayas pero bumalik parin Ako kahit alam ko na ayaw na ako tanggapin ng nanay ko takot na takot ako kahit na sinong tao, Marami ulit Ako naranasan dun ko nadin naranasan masabunutan or kahit anong pananakit affected Yung mental health ko sobrang hirap yung gusto mo ng sumuko pero umiiyak ka sa cr tapos lalabas ka na parang wala lang dun ko sinanay Yung sarili ko naging matatag ako kahit sobrang hirap na sinasabi ko nalang kay Lord Ang lahat lahat ng mga hindi ko mailabas. Naramdaman ko na ayaw talaga nila sakin at Wala akong kalayaan, oo kumpleto kami pero may isa naman na naghihirap sa mentally niya..

Hanggang sa hindi ko na talaga kaya nagsabi ako sakanya na bigyan niya ako ng sign para bumalik sa mga umampon sakin, grade 8 nakabalik ako naging masaya ulit yung buhay ko nakaramdam ulit Ako ng kalayaan kaya malaki Yung pasasalamat ko kay Lord kasi binigyan niya ulit ako ng ganito kasi nakikita din niya Ako kung paano mag suffer at maging matatag. Ngayon nag aaral ako sa public school grade 9 na ako at may times na minsan nahihirapan ako pero nakakayanan ko  nagtitiwala ako kay lord na hindi niya ako pababayaan, minsan naiistress ako sa school pero dinadasal ko nalang yung at giginhawa na Ako naging masayahin ulit ako pero hindi na ganun nung dati.. Behind those smiles there are hidden problems and suffering.

Kaya kung nararanasan mo yung nararanasan mo magtiwala kalang kay lord andyan lang siya para satin hindi man natin nakikita pero kasama natin siya kaya mo yan, kung kaya ko kaya mo din nandito lang kami para sayo kahit hindi tayo magkakilala maniwala ka sa lahat ng nangyayari sayo may magandang patutunguhan yan, may Plano si God para sa ating buhay, dun ko din na realize na hindi matatapos ang problema kahit wakasan mo ang iyong buhay, may rason kung bakit ka nabuhay kaya gamitin mo ito at patunayan mo sa mga hindi naniniwala nsayo na may kaya at ung mga sinasabi nila sayo ay hindi totoo palagi natin nasasabi wala din silbi yung buhay natin pero sa totoo lang meron yan hindi lang natin nakikita pa pero sa tamang panahon makikita natin yan maniwala lang tayo, KUNG KAYA KO, KAYA MO RIN. Ipagpatuloy mo ang iyong buhay kahit mahirap, pwedeng magpahinga pero wag susuko yung mga pamilya natin na hindi naniniwala satin wag niyo pansinin, oo masakit siya pero gawin niyong inspiration para ipakita sakanila na magtatagumpay kayo balang araw. WAG SUSUKO KAYA YAN..

ITO ANG AKING STORYA SA AKING BUHAY SANA MAGING INSPIRATION ITO SAINYO AT SANA MAY MARE REALIZE KAYO THANK YOU FOR READING MAHAL NA MAHAL KO KAYO!!❤️

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE STORY OF MY LIFEWhere stories live. Discover now