This is for the grieving but hopeful.
And for all who have lost and chose to love again.
******
Maraming bagay sa mundo ang natatapos. Bawat yugto ng buhay ay may katapusan din.
No one can escape from change as people enter different seasons in life.
Para kay Sandra, pagkatapos ng lahat ng kaganapan mula nang yumao si Uriah hanggang sa mahuli ang mga kapatid nito, doon na rin niya tuluyang isasara ang kabanata ng mga Honradez sa kanyang buhay.
Lumuhod siya sa harap ng puntod ni Uriah. Nag-alay siya ng isang bungkos ng makukulay na bulaklak.
Gamit ang kaliwang kamay—ang natatanging kamay na maaari lang muna niyang gamitin, hinawi niya ang nagulong buhok dulot ng hangin.
Mukhang uulan kaya't hindi siya maaaring magtagal.
Pagkuwa'y hinaplos niya ang pangalan ni Uriah sa lapida at saka siya pumikit. Sandra uttered a silent prayer of thanksgiving and praises to the God who saved her and spared Uriah from experiencing more heartaches in this world.
Kung nagtagal pala ang buhay nito, mas masasaktan lang si Uriah na masaksihan ang kinahinatnan ng sariling pamilya...
Kung si Estefan din ang namatay at nalaman ni Uriah na ang sarili nitong ina ang nagpapatay, tiyak na labis-labis na pagdurusa ang dulot niyon sa kanyang dating nobyo...
God's wisdom will always be higher than ours. While death is tragic for humans, it does not always look that way. God does not give and take back without a reason.
At the end of her prayer, Sandra thanked Christ for fixing her heart and letting her talk to Uriah for one last time.
Kahit kathang-isip niya lamang iyon o isang gawa-gawang panaginip, hindi na mahalaga para sa kanya. She thanked God that at one point, He allowed her to bid a proper goodbye to Uriah.
"Daghang salamat..." bulong niya rin sa puntod ng dating nobyo. "Nangangako ako sa 'yo, ang iniwan mo sa 'king pag-ibig, hindi mabuburo o masasayang. Your love is meant to be shared. Naiintindihan ko na. Salamat, Uriah. Hanggang sa muli..."
Umihip ang hangin. Pumikit si Sandra ng isang beses pa at ninamnam ang katahimikan ng paligid. Pagkalipas ng ilang minuto, dahan-dahan na siyang tumayo. Maingat ang bawat pagkilos niya.
Naghihilom pa ang tahi niya sa tagiliran subalit kailangan pa rin ng alalay pagkatapos ng dalawang linggo.
Nag-iingat din siyang hindi matamaan ang naka-benda at naka-semento pa niyang kanang balikat, braso, at kamay. Mukhang aabutin siya ng ilang buwan bago magalaw nang tama ang balikat at braso. Baka mahigit isang taon naman upang magamit ang kamay at mga daliri niyon.
Tumama ang dalawang bala sa kanyang kanang balikat, ngunit hindi gaanong bumaon nang malalim. A bit of her shoulder bone was damaged but can be remedied. Ang pangatlong bala ay dumaplis lang sa kanyang kanang braso.
Nakakapanlumo naman ang mga nabali niyang buto sa apat na daliri. She lost all her grip and strength from the right shoulder down to her fingertips... She needed another surgery and series of therapies so she could use her right hand, again.
However, Sandra is hopeful. Marami man siyang tinamong pinsala, buhay pa rin siya...
Lalo na si Estefan.
Huminga nang malalim si Sandra sa biglang pagbilis ng tibok ng puso. Napalinga siya sa paligid at agad namataan kung sino ang papalapit...
Sumilay na ng tuluyan ang kanyang mga ngiti.
BINABASA MO ANG
Pagkatapos Ng Lahat (Valleroso #4)
Духовные4th Book of Valleroso Series. Gaios Estefan Valleroso.