Gail's POV
"Hindi ka na talaga sasabay?" tanong ko kay Mandy. Siya kasi ang sumusundo sa akin every day dito sa bahay kaso may pupuntahan pala siya ngayon.
It's summer at mag-oouting sana kami kaso hindi siya makakasama sa barkada dahil nga may special occassion sila.
"Sorry bestie. biglaan eh. Kalesa ka muna. HAHAHA!" panlalait niya. at may gana pang tumawa!?
"Letche flan! Makita lang kita ah? Sige pasalubong ko bye!" END CALL.
Nakatayo lang ako sa gilid ng kalsada sa may tapat ng waiting shed. Walang tricycle at jeep ngayon. Nasa probinsya kami kaya kalesa ang kasanayang sasakyan dito.
Tigidig...tigidig...tigidig...
"Manong!" sigaw ko. Huminto naman.
"Sorry ma'am. May pupuntahan po ako." Sagot niya. Wow kuya! Salamat sa paasa!
After 2 minutes...
May dumating ulit na kalesa. Pero may pasahero. Nakatalikod siya sa akin. Lalaki na maputi. Formal Ng outfit. Grabe!
Hindi ko na tinawag kasi may pasahero naman pala.
Huminto ang kalesa sa harapan ko.
"Ma'am, saan po kayo bababa?" tanong ni manong na 'driver' ng kalesa.
"Ay huwag na manong. Nakakahiya naman po sa pasahero niyo." sagot ko.
"Hindi. Okay lang. Siya po ang nagsabi na huminto dito." sambit ni manong.
Ha? Bakit? Kidnapper ata to!
May binulong si guy kay manong.
"Sakay na daw po kayo bago kami umalis." sabi niya.
Aba misteryos0 si guy! May binulong ulit.
"Ano daw po? Hindi na siya makahintay. Ako na po ang huling kalesa na magtratrabaho ngayong umaga. Babalik yung iba pagkatapos ng isang oras."
Wala na akong nagawa. Sumakay nalang ako. Tinignan ko yung guy. shet! Nakashades! Di ko makita mukha niya.
"Sir salamat po." sabi ko sa guy. Ngumiti naman siya.
................................................................Patagal ng patagal, inalis na ni guy yung shades.
Kaya pala mabigat loob ko sakanya kanina at ayaw kong sumama. Kaya pala hindi na ako nakikipagdate sa ibang lalaki. Kaya pala bumabagsak ako sa mga exams ko.
"Hi Gen. kay liit ng mundo."
Oo. KAY LIIT! Mas maliit pa sa butas ng ilong ko! Bakit Paul!? Bakit?
Nagbaitbaitan nalang ako. mukha namang mabait.
"Hi. Salamat pala ha?" Sabi ko.
"Ok lang yun. Saan ka pala pupunta?" Tanong niya.
"Mag-oouting kaming magbabarkada."
"Hindi ka ba sinundo ni Mandy?" Tanong niya ulit.
"May occassion na pupuntahan. Ikaw saan ka pupunta?" Tanong ko.
"Sa Crystal's." Sagot niya. Special ba? kasi formal ang suot niya, may hawak na bulaklak tapos pagtingin ko sa pocket niya, may nagshape na box. Singsing?
"Anong gagawin mo dun?" Curious lang po.
"Uhm I don't think you need to know." Sabi niya. Ouch naman. Oo na! Magpapakasal ka na! Forever alone na Ko!
Huminto ang kalesa at bumaba na siya.
"Bye Gen." ngumiti nalang ako.
Pinanood ko siya. Nang pumasok, bigla siyang sinurprise ng barkada. Lumuhod siya sa harap ng isang girl, tapos naghalikan sila. Ouch!
"Ma'am saan po kayo pupunta?" Tanong ni manong.
Matagal akong hindi nakaimik. I gotta admit, mahal ko pa din siya. Sa limang minuto na pagsasama namin sa kalesa, isa lang ang narealize ko, that I still love him and I am a big loser dahil pinakawalan ko ang taong mahal ako dahil sa isang akala. napagisipan ko na kung saan ako pupunta,hanggang sa sinabi kong...
"Sa nakaraan kuya."
---------------------------------------------
Hey! Shannon Visitacion here! If you want to read more of my stories, feel free to click on the 'follow' button on my account: _americanbeauty_Much love!
BINABASA MO ANG
Kalesa (One-Shot)
General FictionSadyang maliit ang mundo para kay Gen. Sa rami ba ng lugar kung saan pwede niyang makita ang ex niya, sa KALESA pa?