Special Chapter

881 28 12
                                    


Andrius

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko nang may kumatok doon. “Andi! Ang tagal mo‚ kanina pa naghihintay ang boyfriend mo sa baba!” Sigaw ni Mommy mula sa labas ng kwarto.

Nagmamadali naman sila masyado! Hindi naman aalis ang isang yan hanggat wala ako!

“Opo! Lalabas na rin!” Sigaw na sagot ko.

Isang beses ko pang tinignan ang sarili ko sa harap ng salamin.

Pagbukas ko ng pinto ay wala na si Mommy. Lakad-takbo akong bumaba. Nakita ko agad si Cassian na prenteng nakaupo sa mahabang sofa namin.

Agad siyang tumayo nang makita ako‚ ngumiti sakin.

Nang makalapit ako ay agad niya akong hinalikan si noo. Napangiti ako dahil doon. Wala na talaga siyang hiya.

“Call me every hour‚ okay?” Bumaling kami kay Mommy nang magsalita siya. “Cassian anak‚ mag-iingat sa pag drive‚ okay?” Nakangiting baling niya kay Cassian.

Nakangiting tumango si Cassian sa kaniya. “Yes‚ tita. I’ll be very‚ very careful.” Natawa kami ni Mommy sa sinabi niya. Napaka OA.

“Enjoy there both of you.” Sambit pa ni Mommy. Niyakap pa kaming dalawa ni Cassian. “Dalhan niyo naman kami ng pasalubong.” Natawa ako sa sinabi niya.

“Mom‚ sa boracay ang punta namin‚ hindi kami mag a-abroad.” Natatawang sambit ko.

Pinalo niya ako sa braso.

“Kahit na! Pasalubong lang naman!”

“Honey‚ humingi ka ng pasalubong kapag pauwi na sila.” Sabat ni Daddy na kalalabas lang galing sa kitchen. “Hindi yung nanghihingi ka paalis pa lang.” Natawa ako.

“We will‚ Mom. Kung gusto mo po dalhin pa namin yung boracay dito!” Natatawang usal ko‚ napailing sila dahil sa biro ko.

“Tita‚ if ma-bored po kayo here pwede niyo puntahan ang parents ko. You’re welcome naman po sa bahay namin‚ and I’m sure Mom would be happy to have you there.” Nakangiti sambit ni Cassian‚ nakangiti naman na tumango si Mommy.

Nagpaalam din kami kay Daddy bago umalis. Hinatid pa nila kami sa labas.

“You look so happy.” Napatingin ako kay Cassian na nag d-drive.

Masigla akong tumango. “Syempre! Buo ang tropa ngayon e.” Nakangiti kong sagot sa kaniya.

Tumango siya habang nakatingin sa daan. “How’s Zaven and Zedrick‚ anyway?” Tanong niya.

Nagkibit-balikat ako. “Ewan ko. Sana nag-usap na sila at naayos na nila yung sa kanila.” Sagot ko. “At sana hindi sila awkward mamaya.” Natatawang dagdag ko pa.

Natawa siya nang mahina. “I hope so too.” Mahinang usal niya.

Napatingin ako sa mga punong dinadaanan namin. Ilang oras din ang byahe papuntang boracay. Iiwan ni Cassian ang kotse niya sa isang kakilala niya.

Nauna na ang mga kaibigan namin sa boracay dahil masyado silang excited. Kahapon pa sila nandoon habang kami ay pupunta pa lang. May tinapos pa akong plates kaya ngayon pa lang kami makakapunta.

Ilang oras pa ay nakarating kami agad sa boracay. Ang mga walang hiya kong kaibigan ay hindi man lang kami hinintay sa airport. Mga walang kwentang kaibigan.

“Grabe! Ang ganda talaga dito!” Kasama na agad namin sila‚ nasa hotel kami ng boracay.

“Ganiyan talaga kapag taga bundok.” Pang-aasar ni Zed kay Kiet‚ masama siyang tinignan ni Kiet.

Under HimWhere stories live. Discover now