Kabanata 11
Tsinelas
Hinagpis...
Sakit...
Panghihinayang...
Galit...
At... Pananabik?
Tama ba ang nakikita ko sa mga mata niya? Sa kabila ng malamig niyang titig ay ang lahat ng emosyon na iyon. Ramdam ko ang mahigpit na kapit ng kanyang mga braso sa aking katawan. Na tila ba ayaw niya akong bitawan.
Ang tibok ng aking puso ay tila sumasabay sa malamig na ihip ng hangin. Sa kabila ng lakas ng tibok nito ay naroon ang kapayapaan sa kanyang mga bisig.
Parang gusto kong umiyak at yakapin siya ng mahigpit. Hindi niyo alam kung gaano ko pinipigilan ang aking sarili na gawin ang bagay na hindi dapat. At hindi maaring mangyare.
"Naku po! Sir Vion! Alona!"
Saka lamang ako natauhan nang marinig ang boses ni Aling Diding. Agad akong umiwas ng tingin saka sinubukang kumawala sa kanya.
Pero nahugot ko ang aking hininga nang higpitan niya ang kanyang pagkakahawak sa akin.
"Don't." mariin ang kanyang pagkakasabi niyon kasabay ng mariin niyang titig.
Hindi ko nakapagsalita.
"S-sir Vion, siya po si Alona. Ang bagong tagaluto. M-maari niyo po ba siyang ibaba?" si Aling Diding na naroon na sa harap namin ni Tupe at kinakabahan. Napatingin ako sa kanya, bakas na bakas ang pag-aalala ng Ginang. "S-sir Vion..."
Hindi naalis ang paningin sa akin ni Tupe at hindi pa rin ako binitawan.
At mukhang wala talaga siyang balak kaya't sinalubong ko ulit ang paningin siya sa lakas-loob na nagsalita.
"S-sir, ibaba niyo na po a-ako..." nanginginig kong saad, tumaas ang takot sa akin.
Mas lalo niya akong tinitigan. Hindi pa rin ako binitawan kaya mas lalo akong kinabahan. Dahil sa twing sinasalubong ko ang kanyang mga titig ay tila susunugin ako nito. Kung kanina ay puro lamig, ngayon ay nagbabaga na ito.
"Sir--"
"Put her down, Vion." may nagsalita sa di kalayuan.
Napatingin ako roon at isang pamilyar na lalaki. Hindi na ako masyadong nagulat dahil alam kong dito talaga nakatira si sir Hashid.
Hindi lumingon sa kanya si Tupe. Halos masira naman ang ribcage ko sa sobrang kaba. Lalo na nang nakapamulsang lumapit sa amin si Sir Hashid at kasunod niya ay ang iba pang mga lalaki at si Ma'am Kiarra.
Napalunok ako. Seryoso ang mukha ni Sir Hashid samantalang nagtataka naman ang iba. Nakataas naman ang kilay ni ma'am Kiarra at nagtataka rin kung bakit ayaw pa rin akong bitawan ni Tupe.
"Vion," seryosong tawag ni Sir Hashid. "I said, put her down and let her go."
"No."
"Vion, ano ba! Tinatakot mo na si Alona. Ibaba mo na nga siya!" sabat naman ni Ma'am Kiarra.
Vion...
Para akong nabagsakan ng malaking bato habang pinoproseso ng utak ko ang lahat. Umuulit-ulit sa tenga ko ang pangalan niya na ngayon ko lamang nalaman sa sobrang tagal ng panahon.
Vion. Ayon sa sinabi sa akin ni Ludia ay ito ang apo ni Don Fernando at Donya Elizabeth na naaksidente, dalawang taon na ang nakalipas. Ang ibig sabihin ba nito ay isang Madrande si Tupe? At siya ang tinulungan ko noon? At siya rin si Vion Madrande na may ari ng isang malaking shipping company sa buong bansa?
YOU ARE READING
The Heart of the Wildest Wave (Madrande Series #1)
RomanceSi Pearl Alona Escartin ay isang responsableng Ate sa kanyang dalawang kapatid. Handa siyang gawin ang lahat upang maibigay lang pangangailangan ng mga ito at para may makain sila sa araw-araw. Ngunit nasukat ang kanyang pagiging kapatid nang di ina...