CHAPTER 09: Hidden In The Dark

403 3 1
                                    

"Hidden In The Dark"

"Arghh!" The man's scream tore through the air, his voice trembling with helpless pain.

"I-I never said y-yes to this! Ah! l-let me go!" Nagmamakaawa itong sumigaw gamit ang natitirang lakas, habang desperadong nagpupumiglas na kumawala sa pagkakagapos sa experimental bed. 

There's also an IV attached to him, weakening and weighing down his every movement, as if it had been laced with some unknown drug, na lalong nagpahirap sa kaniyang sitwasyon. 

Mula sa madilim na sulok ng silid, biglang lumitaw ang isang lalaki na nasa edad singkwenta, suot ang kanyang lab gown. Walang imik siyang lumapit sa pasyenteng nagwawala at mahigpit na nakatali sa higaan.  At walang pag-aatubiling dinampot ang isang maliit na tela at marahas itong ipinasak sa bibig ng lalaking kanina pa pilit kumakawala sa pagkakatali.

The man's painful, pleading cries had now been reduced to muffled moans and ragged, heavy breathing. 

"Hmm... hngh!" 

"I suggest you calm down, as there's really no point in resisting," the man said calmly, his right-hand gliding across the table to retrieve a small drug vial, a 3-cc syringe, and an 18g needle. 

Eksperto at maingat niyang winithdraw ang gamot gamit ang syringe, dahan-dahan itong pinuno at pinitik-pitik upang matiyak na walang natirang numuong bula. Kitang-kita ang kanyang kasanayan sa paghawak ng mga instrumentong nasa kamay, tila ba'y matagal na niyang ginagawa ang ganitong uri ng trabaho. 

Patuloy na nagpupumiglas ang lalaking nakagapos, subalit tinapunan lamang siya ng doktor ng malamig na tingin, na halatang walang pakialam sa kanyang pagdurusa at pagmamakaawa.

After drawing the drug into the syringe, he quickly injected it into the IV without a moment's hesitation.

In mere seconds, the effects surged within the man's body. He convulsed violently, blood pouring from his nose, ears, mouth, and eyes, transforming his agony into a horrifying display.

In that instant, his eyes rolled back completely, revealing only the stark whites, while the veins in his neck bulged ominously, pulsating against his skin as if they were ready to rupture, a chilling sign of his body's imminent collapse.

Sa halip na kumilos para tulungan ang pasyente, nakatayo lamang ang doktor at pinagmamasdan ito nang walang emosyon, may bakas ng pagkadismaya sa kanyang mukha. Hinawakan niya ang kanyang sentido at napailing, sabay sa paghinto ng pangingisay ang malamig na tunog ng cardiac monitor na nagbabalita ng pagpanaw ng lalaki.

"'John Doe No. 204, failed," the man announced with a deep sigh, his voice devoid of remorse or even a hint of concern.

It was just another typical day for him, another day of killing someone.

"Clean this mess up, Silas, and bring the next one in tomorrow morning. I can't cater anymore today since I have an important appointment with the boss," the man stated, stripping off his lab gown.

"Yes, Doc," Silas replied, nodding his head in agreement.

Walang pagdadalawang-isip na tinanggal ni Silas ang patay na bangkay ng lalaking nakagapos. Mabilis niyang isinilid ito sa isang malaking plastic, siniguradong nakadikit ang tape, at sinulatan ng "#204, M." Agad niyang kinaladkad ang bangkay patungo sa isang malawak na bunker refrigerator, kung saan nakapaloob ang iba pang mga walang buhay na katawan ng daan-daang tao, bawat isa ay nakabalot sa itim na plastic at may kani-kaniyang numero na nagkukwento ng kanilang mga nakalipas na buhay na natapos sa madilim na kaharian ng kamatayan.

Heartbeats & Bullet Shells: De Ville #1Where stories live. Discover now