Maaga akong bumiyahe ayoko kasing ma-late sa unang araw ko sa trabaho. Buti at maluwag ang parking lot. Kinuha ko ang Red Backpack bag ko bago bumaba nang Kotse ko. Dinobol check ko muna kung lock lahat saka ako naglakad na papuntang lobby. Binati ako nang Guard kaya bumati din ako. Pinindot ko ang 8th floor doon daw kasi ang Opisina ko.
Pagbukas ng pinto ng elevator agad bumungad asa akin ang Reception table. Binati ako nito kaya binati ko din siya pabalik. Naglakad ako papunta sa table ko.
Wow! Ang cute parang mini Office pala ito. May cubicle ang bawat table at may sarili din akong computer. Wow!
"Good morning Miss Daez." bati sa akin nang Receptionist.
"Good morning din po." bati ko dito.
"Ang aga mo. Sana laging ganyan. Bale ito yung mga Design na ii-edit mo saka itong sketch pad na ito dito mo idrawing yung naisip mong design para sa Logo na ito. At higit sa lahat lagyan mo ng password ang computer mo at ugaliin mong dala mo Lage ang mga gamit mo kasi para iwas nakawan ng idea. Okay."
"Okay po salamat po." Kinuha ko ang mga ibinigay niya sa akin.
Umupo na ako sa upuan ko saka ko ipinatong sa mesa ko ang Bag ko. Matagal kong tinitigan ang Logo na pinagagawan ng bagong design. Ah. Pwede. Bakit hindi ko subukan.
Kinuha ko ang Sketch pad ko saka ko drinowing yung design na naiisip ko. Kumpleto ang gamit ko may mga pencil colors at lapis pati mga pambura at mga drawing pen.
Nilagyan ko ng trademark ko #7 saka ako tumayo para ibigay yon sa Receptionist. Isinarado ko muna ang Glass sliding door sinigurado kong Lock bago ako umalis.
"O MARCO GALING SA INTERIOR Design Department. Sana naman magustuhan mo na yang design na yan." mahabang sermon ni Scott.
Pagbukas ko ng sketch pad naagaw agad nang nakaguhit doon ang atensyon ko. Matagal kong tinitigan iyon. Parang may kung ano akong naaalala pero hindi malinaw.
"O ano Marco. Pasado ba?" tapik sa akin ni Scott.
Hindi ko ito sinagot. May nakita akong trademark #7 ang nakalagay. Seven? Bakit parang pamilyar? Pamilyar naman talaga kasi number yon... pero bakit parang naaalala kong may tinatawag akong Seven? Sumakit ang ulo ko. Kaya nabitawan ko ang sketch pad.
"Pare ayos ka lang Teka sandali asan ba ang gamot mo?" nag-aalalang tanong nito.
"Drawer pare. Drawer." Ang sakit sakit ng ulo ko!
"Pare ito oh saka tubig."
Ininum ko yung binigay ni Scott. Mga ilang minuto pa at tumalab naman agad ang gamot.
"Gusto kong makilala yung gumawa ng Design na yan.". utos ko dito.
"Okay sige. Ipapatawag ko siya.”
Abala ako sa pagbasa ng mga folder na binigay ng Receptionist kanina. Nagulat ako nang may kumatok sa Glass door ng mini Office ko. Yung Receptionist. Bakit kaya.
Binuksan ko iyon. "Yes po?"
Ngumiti ito. "Pinapatawag ka sa 10th floor. Akyat ka na lang doon may Reception area din doon sabihin mo Ang pangalan mo sila ng magtuturo sayo kung saan ka pupunta. Goodluck!" saka ito umalis.
Ginawa ko ang sinabi nito. Nagtungo ako sa elevator at pumunta ng 10th floor. Bakit parang kinakabahan ako? Naku relax ka lang Seven. Relax.
Bumukas ang pinto ng elevator sa 10th floor. Agad ako lumapit sa Receptionist. Tumayo ang isa sa kanila at pinasunod ako sa kanya. Naalala ko bigla yung nakilala ko sa elevator sabi niya dito daw sa 10th floor ang Office niya.
BINABASA MO ANG
My Sweet Seven
Romance"Hindi ako tomboy! Kaya kung pwede lang noh tumabi ka sa dinadaanan ko!" sigaw ko sa matangkad na lalaking nakaharang sa hallway. Sa pagkakaalam ko Marco ang pangalan ng lalakeng ito. "Ows talaga? Sige nga kung Hindi ka nga Ganon o di patun...