Hay ang sarap sa pakiramdam nakawiwi na ako. Pagbukas ko ng pinto... nakatayo si Marco at nakasandal sa kaharap na pader. Nagulat pa ako nang tawagin niya ako.
"Miss Daez." ulit niya.
Lumingon ako sa paligid. Kami lang dalawa ang andito. Saka ako tumingin sa kanya.
"B-bakit po Sir?" alanganing tanong ko dito.
Tumayo siya nang maayos. Saka nilagay sa magkabilang bulsa ang mga kamay. "Nagkita na ba tayo dati?"
Natulala ako sa tanong niyang yon. Sasagot na ako nang biglang dumating yung babaeng kala mo sawa makanguyapit sa leeg niya. Saka ako tinitigan ng masama. Nginitian ko lang sila. Parang may kumurot sa puso ko ng halikan nito si Marco sa mismong harap ko. Nagmamadali akong naglakad paalis sa Lugar na yon.
Naabutan kong katatapos lang kumanta nila Daddy. "Ah. Oo nga pala lady's and Gentleman bale may mga Anak na po kami at tulad namin mahilig din po silang kumanta."
Umakyat na sila sa Stage.
"Ate Seven tara na kanta na tayo." tawag sa akin nina Andro. Sige naman sa palakpak si Lorie proud Girlfriend ah!
I smile as I walk to the stage. Nagpalakpakan ang mga tao. Kitang kita ko sa kanila ang pagkamangha Kasi mga Anak kami ng dati nilang hinahangaan na Pop idol.
Si Hunter ang Drumer. Si Winter ang Pianist. Si Rei ang Guitarist at si Andro ang second voice.
"Hello po. Kami po yung mga Anak nilang tatlo." nagtawanan ang mga tao. Nawala ang ngiti ko ng makita ko si Marco at Yung babae.
"Bale itong kantang to e napapanahon po talaga Sabi nga po ni Daddy. So let's start."
Natahimik ang crowd ng tumugtog na kami. Napatitig ako kay Marco.
Masasayang mga araw na kasama kita...
Paglalambing at kulit mo na hindi nakakasawa...
Punung-puno ng ligaya ang ating pagsasama...
Na parang wala nang sisira ng lahat...Bakit pa dumating ang oras na ito...
Nabalitaan ko nawala ka na...Hindi ba't sabi mo hindi mo ko iiwan...
Hindi pababayaan na ako'y mag-isa...
Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda...
Bakit bigla ka na lang nandiyan...
Sa kabilang Buhay....Paano na ang lahat paano na ako... tayo...
Hi did ba sinabi mo sa akin na sabay tayong mangangarap...
Bakit bigla kang lumisan ng Hindi man lang nagpaalam....Isang malamig na hangin ang yumakap sa akin...
Parang isang pahiwatig na magpapaalam ka na.....Naiyak ako sa kanta kaya nagpahid ako ng luha ko nang matapos iyon saka ako dali daling bumaba ng Stage. Parang di ko na kaya. Siguro dapat umuwi na ako.
Nagpaalam ako kina Mommy at Daddy. Pumayag naman sila saka ako dumeretso sa parking lot.
Isinuot ko na ang helmet ko. Nakita ko si Marco na natakbo palapit sa akin kaya agad kong inistart ang makina ng Motor ko saka ko iyon pinaharurot paalis. Wala namang kami dati kaya dapat hindi ako affected.
Mabilis kong pinatakbo ang Motor ni Daddy. Para akong lumilipad. Naiiyak ako. Hindi nga niya ako maalala... siguro dahil yon sa bagkabagok niya. Ang sakit pala kapag hindi ka maalala nang taong naging parte ng Buhay mo... akala ko sa mga Pelikula lang yon pwedeng mangyari o kaya sa mga Novela lang... ayon pala pwede ding mangyari yon sa totoong Buhay. Ang sakit. Sige ang tulo ng luha ko...
Malayo layo na ang natatakbo ng Motor ko. Hindi ko na din alam ang Lugar. Huminto ako saglit. Gabi na nga pala kaya ko to na lamang ang mga tao. May natanawan akong babae maganda siya may hawak siyang Sampaguita at kahon nang paninda niyang sigarilyo. Tingin ko magkasing tanda lang kami o masmatanda ako.
BINABASA MO ANG
My Sweet Seven
Romance"Hindi ako tomboy! Kaya kung pwede lang noh tumabi ka sa dinadaanan ko!" sigaw ko sa matangkad na lalaking nakaharang sa hallway. Sa pagkakaalam ko Marco ang pangalan ng lalakeng ito. "Ows talaga? Sige nga kung Hindi ka nga Ganon o di patun...