"Oooppss. Sorry... My bad." sambit ko nang malaglag ang hawak nitong mga libro.
Dinampot ko iyon saka ko ibinigay dito.
Nakangiti ito sa akin. "Hi. I'm Quiros... my Office is on top. Well you're new here?"
Tumango ako. Nakakailang Buwan pa lang kasi ako dito sa pinasukan kong Kumpanya bilang Product Designer.
"Yes. Seven."Nangunot ang noo niya. "Your name sound unique."
"Yes it is. Yours too.". saka kami sabay na tumawa.
"Okay. So any plan for tonight?". tanong nito.
Umiling ako. Simula nang mapunta ako dito sa America sige lang ako trabaho. Nakapasok ako agad dahil sa connection ni Daddy Peter ko. Medyo namiss ko Sila.
"No plan at all." sabay ngiti ko.
Ngumisi siya. "Okay. How about a night out?" tanong nito.
Napaisip ako. Hindi na ako Bata. At kaya ako andito para makalimutan ang taong iniwan ko sa Pilipinas.
"Sure!"
***
Nakipagkita na lamang ako kay Quiros sa club na sinasabi niya. Hindi ko pa siya gaanong kilala kaya ayokong sabihin kung saan ako nakatira. Mukha naman siyang mabait. Medyo parang may pagkabrusko nga lang.
Pagbaba ko pa lamang ng Taxi ay agad na sumalubong sa akin si Quiros. Hindi ko ito agad nakilala. Ang guwapo niya. Nakangiti siya sa akin.
"Hi. You look beautiful in your jeans and shirts?". sabay tawa nito.
Natawa din ako. "What's so funny?"
Umiling ito. "Nuh. Let's go! Well going to miss the Party."
Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko saka ako bahagyang hinila papasok nang Club. Maingay sa loob at madaming tao halos siksikan na. Hila hila niya ako papuntang Bar counter.
Umupo kami doon saka siya umorder ng Margarita at Tequila. Tig-isa kaming shot.
"No. I-I don't drink. Quiros.". nangingiting tangi ko. Pero mapilit talaga ito kaya sinubukan ko. Isa pa andito ako para magParty hindi para matulog. Ininum ko ang Margarita. Wow! Nag-init ang lalamunan ko at ang mukha ko. Napatitig ako kay Quiros. Nakangiti ito habang nilalagok ang hawak niyang isang shot ng Tequila. Sabay naming nilapag sa Counter ang shot glass na hawak namin.
"Wanna dance?" nahihiyang tanong nito.
Tumango ako at hinila siya sa gitna ng siksikang dance floor. Sumayaw ako nang sumayaw. Sumasabay ako sa lakas nang tugtog habang nakataas sa ere ang dalawang kamay ko habang si Quiros natatawang nakatingin lang sa akin. Sige ang lambitin ko sa leeg niya at sa braso niya para hindi ako matumba. Sige lang siya tawa.
May dumaang Waiter na may dalang tray nang Alak. Kumuha ako ng Isa at deretsong ininum iyon. Wow! Maslalo atang lumakas ang Tama ko ah! Para akong nabibinge. Sumayaw ako at umikot ikot. Pagharap ko kay Quiros nakita ko si Marco?
"What?" nakangiting tanong ni Quiros.
Naiiyak ako. Siguro dapat ko pang dagdagan yong ininum ko kaya kumuha uli ako nung may dumaan.
"Hey! Hey! Your drunk. Stop it.". Pilit nitong inaagaw ang baso.
Tinulak ko siya. "J-just let me drink this please....". naiiyak kong pakiusap dito.
BINABASA MO ANG
My Sweet Seven
Romance"Hindi ako tomboy! Kaya kung pwede lang noh tumabi ka sa dinadaanan ko!" sigaw ko sa matangkad na lalaking nakaharang sa hallway. Sa pagkakaalam ko Marco ang pangalan ng lalakeng ito. "Ows talaga? Sige nga kung Hindi ka nga Ganon o di patun...