Hinatid ako ni Quiros sa tinutuluyan kong Boardinghouse. Mag-isa lang naman Kasi ako e saka wala naman akong planong magtagal dito sa America. Magpapalipas lang ako ng hinanakit tapos babalik na din ako sa Pinas. Ilang Buwan pa lang ako pero namiss ko na ang kilalakhan kong Lugar.
Humigpit ang yakap ko sa bewang ni Quiros kaya bahagya siyang natawa. Kami na kaya pumayag akong ihatid niya ako.
Huminto kami sa tapat ng medyo may kalumaan nang Fourth storey building. Karamihan ng umuupa dito ay mga Estudyante kaya ang iba share ng Kuwarto. Ako kasi may trabaho na ako kaya kaya kong magbayad nang sarili kong Kuwarto saka in advance na din kasi nila Daddy at Papa ang bayad sa Renta ko good for One year na kaya nakakatipid talaga ako.
"Wow. Nice site." inalalayan pa niya akong makababa ng Motor niya.
"Really? It looks creepy." sagot ko.
Umiling siya. "Nah... much better than my place. Ummm wanna meet my Mom?"
"Ha? Anong sabi mo?". nagulat talaga ako sa sinabi nito. Saka ko lang napagtanto na Amerikano nga pala si Quiros Hindi niya ako maiintindihan. Kaya napahawak na lamang ako sa bibig ko.
Tumawa siya. "I said if you want to meet my Mom. That's it.". nakangiting sagot nito.
"Quiros? You understand Tagalog? I mean Pilipino language?". manghang tanong ko.
"Yup! Why? My Mom is a Filipina and also my Dad but I never met him ever since I was a child. But Mom told me that I look exactly like him and I do have a Twin Brother and he is Five minutes older than me. But life is always unfair. They took him. Mom hide me so I was with her. And to be exact she's so sweet just like you Sev."
Parang medyo kinabahan ako sa sinabi nito. May Kambal daw siya. Pero imposible. Pero may pagkakahawig nga silang dalawa. Parang iisang tao lang sila... Isang beses ko lang nakita ang Daddy ni Marco pero napakatanda na nila kaya imposibleng magkadugo sila.
"Hey. You're spacing out are you still with me?". sabay pisil nito sa pisnge ko.
Tumango ako. Gusto ko pa siyang makilala. Bakit parang umaasa pa ko na magiging kami pa din ni Marco? Mali. Dapat si Quiros na lamang ang isipin ko Kasi Boyfriend ko na siya.
"So can I have your answer? Instead of nodding your head.".
"S-sure. I want to meet your Mom. I'm excited!". totoo naman excited ako. May gusto kasi akong malaman.
"Good! Okay! Saturday I'll pick you up here. I'm sure Mom will like you.". napaatras ako ng halikan ako sa labi ni Quiros smack lang yon pero bumilis ang tibok ng puso ko.
"Go inside. It's a good night kiss My sweet Seven." nakangiting sambit nito.
Humakbang na ako papasok nang Building kahit may kalumaan yon meron itong bantay sa lobby. Kumaway ako Kay Quiros Nung makapasok na ako sa loob ng Boardinghouse.
Kumaway din siya. Saka niya sinuot ang helmet at pinaandar ang Motor.
Tomorrow is a new day Seven. Pero simula bukas hindi ka na nag-iisa. Meron ka nang Quiros. Napaiyak ako sa tuwa. Ewan pero masaya ako.
Madami akong dalang folder. Nagulat pa ako pagbaba ko ng Taxi ng biglang may kumuha nang mga yon mula sa likod ko. Napatili pa ako.
"Oh my god! Quiros! Don't do that again!" saway ko dito. Tumawa lang ito.
"Sorry. I think you should get used to it because I don't want my Girl to carry all this stuff." napatitig ako kay Quiros. Totoo bang Boyfriend ko na siya? Para kasing ang bilis saka masyado siyang guwapo para sa akin.
BINABASA MO ANG
My Sweet Seven
Roman d'amour"Hindi ako tomboy! Kaya kung pwede lang noh tumabi ka sa dinadaanan ko!" sigaw ko sa matangkad na lalaking nakaharang sa hallway. Sa pagkakaalam ko Marco ang pangalan ng lalakeng ito. "Ows talaga? Sige nga kung Hindi ka nga Ganon o di patun...