Chapter 1

23 7 0
                                    

ISANG makulimlim na araw ng biyernes, pero dahil sa may pasok pa kami ngayon, ay hindi kami puwedeng lumiban. Pero dahil din sa vacant naman kami ngayon, ay malaya kaming gawin ang mga kong ano-anong bagay ang maisipan ng bawat isa sa'min. At nasa labas ang karamihan sa kanila ngayon.

Sa kaso ko naman, ay nasa loob lang ako ng aming silid-aralan. Nagbabasa at nag-aaral para sa sunod naming itatalakay para sa mga susunod na week. Kailangan kasi ito, lalo na sa mga medyo mahina sa klase o hindi makasunod sa mga itinatalakay araw-araw. Kahit na sa mga matatalino, syempre.

Hindi naman kasi porque matalino na ay hindi kana mag-aaral. Oo, sa mga may higher IQ puwede, pero kahit na ganoon pa man ay nag-aaral pa naman sila ng mabuti. Inaaral nila iyong mga bagay-bagay na hindi nila maintindihan o hindi nila na pag-aralan sa iskwelahan.

Mag-isa lang ako dito sa room. Minding my own business as always. Ayaw naman akong imbitahen ng mga kaklase ko at mas lalong ayaw ko rin na iniimbita ako kapag may ginagawa akong importante.

Ayaw magpa-istorbo e, kaya hindi naman inistorbo.

Marunong naman silang rumespeto sa isang taong madami ang ginagawa o may ginagawang importante, kagaya ko, nag-aaral at nagbabasa. Ang kaugaliang iyan ang nagustohan ko sa kanila.

Nag-vo-volleyball sila sa labas, ninanamnam ang kulimlim ng kalangitan habang hindi pa ito bumubuhos ng ulan. Ganiyan naman sila palagi kapag vacant na biyernes ng umaga at huwebes na hapon.

Vacant din kaya sila Ruby at Marcy?

Hindi ko pa kasi natatanong ‘yong dalawa.

“Pres! May riot!” rinig kong anunsiyo ng isa kong kaklase na lalaki. Nakuha naman nito ang atensiyon ko at nakita kong pawisan ang mukha nito.

Sa ganitong oras?

Tumigil naman ako sa pagbabasa at ibinaba ang aklat na hawak-hawak ko sa mesa. Sinara ko rin ang notebook ko, pinatong ito sa ibabaw ng mga aklat na babasahin ko pa sana. Tumayo ako sa aking pagkakaupo at lumakad palabas ng room. Dahil nasa Ikalawang palapag kami ng building, ay kailangan pa naming bumaba ng hagdan para tumungo sa pinangyarihan ng sinasabi nitong riot.

“Gagi—ay sorry pres. ‘Yong grupo nila Gerald at Tyrone ang nag-aaway ngayon, e dahil sa wala naman ang President ng TVL ay pinatawag ko na lang ‘yong President sa GAS.” Palagi naman silang nag-aaway.

Kaya hindi na nakapagtataka kong bakit malapit na itong ma-i-ban na paaralan namin, sikat kasi sa mga riot at away ng mga estudyante. Tapos itong mga manonood naman nila ay kukuha ng video at i-story pa nila o hindi naman kaya ay i-se-send sa mga kaibigan nila sa ibang paaralan. Ang malala pa do'n ay pino-post nila sa kani-kanilang mga social media platforms ang nakuhanang video ng mga estudyanteng nag-aaway.

Nakakahiya ang mga estudyanteng nag-aaral dito na ang alam lang ay ang makipag away at manggulo.

Hindi ba nila alam na napapahiya ang principal dahil sa pinaggagawa nila? Iyong mga SSLG at Yes-O officers? Ginagawa nila iyong makakaya nila para mapanatiling payapa at tahimik itong paaralan na ‘to, pero anong ginagawa nila? Sinusuway nila ito at binabalewala lang.

May mga sarili kasi silang rules na sinusunod. Tapos wala namang maganda na maidudulot sa kanila at sa paaralang ito.

Habang bumababa kami sa hagdan, kita ko ang mga estudyanteng nasa loob pa rin ng mga kani-kanilang silid-aralan. Tanging mga kaklase ko lamang na naglalaro ng volleyball at iba pang mga senior high ang nasa ground, ang iba sa kanila ay nakaupo lang sa bench.

Wala pa naman yata silang alam sa nangyayaring kagulohan. This makes it better since they would only take a video about it if they ever heard about the two groups of boys fighting like maniacs.

Scars Of Yesterday's DramaWhere stories live. Discover now