Chapter 51

68 4 0
                                    

Val's POV

"Bakit?" Tanong ko pagkapasok ng office ni Jane.

"Diba may business event kami ni Yanna sa Japan next week." Wika niya.

"Oo. Anong meron about dun?" Tanong ko ulit.

"Gusto rin nila makikilala ang owners ng Airline so kailangan na kasama kayo." Sagot niya.

Tumungo tungo lang ako sa sinabi niya.

"Yun lang ba? Sige marami pa ko need asikasuhin lalo na aalis pala tayo next week." Paalam ko.

Papaalis na sana ako ng pigilan niya ko.

"Palapit na ng palapit ang alis ni Ari pabalik ng Siargao." Wika niya.

"Oh anong meron?" Pagtataka ko.

"Why not magfamily bonding kayo sa Japan. Para kahit papaano one may bonding pa rin kayo as family. Kahit last na. Para na rin kay Ran. Tagal niyo na hindi nakakasama yung bata lagi na lang siya nakela tita." Explain niya.

"Teka! Kasama siya sa Japan?" Gulat ko.

"Malamang! Owners nga diba?!" Pagtataray niya.

Kaya tinarayan ko rin siya.

"Kung para kay Ran yan of course papayag ako. Ewan ko na lang sa isa." Saad ko.

"Nakausap ko na siya at pumayag naman." Inform niya sakin.

Tumungo tungo lang ako.

Nagpaalam na ko sakanya na pupuntahan ko lang si Yanna sa office niya dahil iaabot ko sakanya yung mga papers na tapos ko na pirmahan.

Pagkarating ko sa office niya busy na busy siya sa ginagawa niya.

Natatawa na lang ako sa itsura niya.

'Seryosong seryoso kala mo tagapagmana.'

Nakaramdam ata siya na may nakatitig sakanya kaya napatingin siya.

"Oh! You're here." Gulat niya.

Natatawa ako habang lumalapit sakanya.

"Oh! Ito! Pirmahan mo na." Wika ko sabay abot ng mga folder.

Agad naman niya kinuha ang folder.

"I'll do it later. But first I want to tell you something." Saad niya.

"Ano na naman yang chika na yan Julianna?" Curious ko habang kumukuha ng candy sa desk niya.

"Your ex boyfriend almost killed your ex wife." Pahayag niya.

"Huh?" Pagtataka ko.

"I just saw them in the parking lot a while ago. He choking her." Seryoso niyang sabi.

"Oh my God! Okay lang ba si Ari?" Pag aalala ko.

"She's okay but she's so ungrateful." Natatawa niyang sabi.

"Teka kakausapin ko lang si Andrew." Paalam ko at dali dali ako tumayo.

"Wait! Val! Give this to him." Pigil niya sakin sabay abot ng isang envelope.

"What's this?" Taka ko.

"His termination letter." Sagot niya sabay ngiti ng mayabang.

"Julianna hindi naman need umabot sa ganito-"

"Whether you like it or not. I dont want aggressive people in our Airline." Paninindigan ni Yanna.

Pagkalabas ko ng office ni Yanna agad agad ko tinawagan ni Andrew.

Our PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon