Kagat-kagat ko ang straw ng iniinom kong nakasupot na soft drink habang abala na nagbabasa ng mga nakaraang lecture para sa susunod naming klase. Binalingan ko ang bakanteng upuan sa aking harapan kung saan naroon nakapuwesto si LA kanina, he left his book open, maging ang notebook at iilang ballpen nito ay naroon rin. Nagpaalam ito kanina na pupunta lang sandali sa cr, hindi ko na namalayan na medyo natagalan na pala ito dahil abala rin talaga ako sa ginagawa kong pag-aaral.
Hm, baka naman bumalik sa canteen para bumili ng melon. Iyon kasi ang paborito nitong inumin tuwing lunch. Kung minsan ay nakakatatlo pa nga ito sa isang buong maghapon. Ipinagpatuloy ko na lamang ang ginagawang pagbabasa. Medyo mahina kasi ako sa Math kaya iyon ang mas na tinututukan ko sa lahat ng subject sa school.
Inabot ko ang notebook ni LA at sinilip ang notes na meron ito. Mas maayos at mas naiintindihan ko pa kasi iyon kaysa sa sarili kong sulat, miski sa mga sample sa libro. LA had that ability to make even the most complicated Math problems easier to understand. Ito talaga ang dahilan kung bakit taon-taon kong naipapasa ang subject. We would spend time studying, hindi ito titigil hangga't hindi ko nauunawaan ang topic na itinuro sa amin nang araw na iyon. Kahit abutan na kami ng hapunan sa kanila ay makikiusap na lang ito sa driver nila na ihatid ako pauwi, sasama pa nga 'yan, hindi puwedeng hindi.
"Pink panty ni Regina!"
Malakas na tawanan mula sa field ang umagaw sa atensyon ko. Napatigil ako mula sa paglilipat ng pahina ng notebook ni LA at napabaling sa pinagmumulan ng ingay. Lunch break ng halos lahat ng Grade 7 ngayon kaya hindi na nakapagtatakang puno ng mga estudyanteng tumatambay ang malawak na field ng Montessori, lalo kapag ganitong may pinagkakaguluhan at pinagkakatuwaan ang mga ito.
Si Regina na naman.
I sighed. Dalawang taon na ito sa school pero hindi pa rin marunong pumalag. Paanong hindi ito titigilan ng mga umaapi rito kung hindi rin naman ito lumalaban? Palagi lamang itong tatahimik at tatanggapin ang mga tawanan ang panunukso. I didn't even know why they always make fun of her. Maayos naman ang itsura nito. Malinis rin manamit. Isa lang ang naiisip kong dahilan kung bakit ito madalas napapagtulungan. Noong bago kasi ito sa school ay agad na pinormahan ni Mikael, sikat iyon dahil miyembro ng dance troupe. Pero kung ako ang tatanungin ay hindi naman ito guwapo! Wala sa kalingkingan ni LA! Simula nang pormahan ito ni Mikael ay palagi na itong pinag-initan ng grupo nina Trina, mga kilalang pinakamagagandang mukha sa school. Pinakamasasama rin ang mga ugali kung ako ulit ang tatanungin.
And as expected, naroon rin si Trina sa sentro ng kaguluhan. Nakatayo sa ilalim ng puno ng Akasya, nag-iinarteng itinututok sa leeg ang hawak na portable fan habang pasimpleng pinagtatawanan si Regina na umaahon pa lamang mula sa pagkakatumba. She was adjusting her skirt, itinaas kasi iyon ng mga lalaking alipores ni Trina. Malaki ang barkadahan nila, may mga babae at lalaki, ang iba ay galing sa mas matataas na antas. Si Trina ang prinsesa nila dahil ito rin ang pinakamaganda, sabi nila. Para sa akin, mas maganda pa si Penny sa mga ito. Palagi lang pawisan at magulo ang ayos ni Penelope dahil abala sa sparring sessions at taekwondo classes, pero walang sinabi si Trina sa pinsan ko kung sa pagandahan rin lang.
Napatayo ako, tuluyan nang naisantabi ang ginagawa kong pag-aaral. Inisang sipsip ko ang iniinom na coke at itinapon ang supot sa malapit na trash bin tapos ay tinungo ko ang kaguluhan.
Hindi ko na sana gustong makialam dahil mas maganda kung matututo si Regina na ipagtanggol ang sarili pero uminit na ng husto ang ulo ko nang makitang tadyakan ni Darwin ang isa sa mga libro nitong nagkalat sa field nang matumba. Yumuko muli si Regina para abutin iyon pero muli lamang tinadyakan iyon ng isa pa sa mga nakapaligid rito para mapalayo. Lalong lumakas ang tawanan. It saddened me how most people enjoyed the act of bullying until they experienced it firsthand.
BINABASA MO ANG
End Game
Romance3rd Generation: The Lineage Continues Saint Exodus Vladislav-De Salvo Teaser