PIGTIWESLEY'S POV
Ilang taon na rin akong nagtiya-tiyaga bilang sekretarya ng walang respetong boss ko na ito. Noong unang walong buwan ko rito matapos masaksihan ang napaka-walang hiya niyang trato sa babae ay gusto ko na siyang sapakin sa mukha ang kaso ay baka mawalan ako kaagad ng trabaho at ang malubha ay makulong pa dahil sa pananakit ko rito. Mabuti na lamang at napigilan ko ang sarili ko dulot na rin nang pangangailan dahil wala akong pera noong ilang buwan ko matapos grumadwyet sa aking pag-aaral na may kurso malapit sa financial management.
Kung hindi lang sa kahirapan ay hindi ako magtitiis na magtrabaho sa kompanya niya. Ayaw na ayaw ko ang marinig at masaksihan ang mga ginagawa nila sa kanyang opisina kahit na anumang oras ng isang araw.
Kung tama ang pagkaalala ko ay walang mintis sa isang linggo na mayroong tatlo o limang iba't-ibang babae ang lalabas ng opisina na umiiyak matapos makuha ng mukong na iyon ang gusto niya mula rito. Nakakaawa ang mga estado ng mga babae na lumalabas roon karamihan sa kanila ay halatang umaasa na masuklian ang kanilang pagkagusto sa walang puso kong boss ngunit wala sa bukabolaryo ng lalaki na yun ang pagmamahal.
Kaya naman ginawang laruan ang puso ng ibang tao lalo na ng mga kababaihan na dumadaan sa kanyang mga kamay.
Sa loob ng nagdaang dalawang taon ay nasikmura ko na ang kababuyan ng lalaki na iyon. Sayang naman kasi talaga ng sweldo. Kung tutuusin ay triple ito kumpara sa makukuha ko kung magtrabaho ako ng bilang isang mangagawa ng isang pabrika o anumang mahirap na trabaho.
Pinili ko lang maging praktikal. Mahirap kaya mabuhay sa loob ng mapag-alipustang mundo kaya't kahit na natatapakan ang mga pinapahalagan ko dahil sa aking trabaho ay nanatili pa rin ako.
Ang itinatak ko lang sa isipan ko ay huwag niya akong idamay o sinuman na importante sa buhay ko at tiyak na pati takure na may mainit na tubig ay tataob mismo sa ari niya. Pangako ko sa aking sarili. Tse.
...
Sa ngayon ay nakaupo ako sa mesa kung saan lumipas ang dalawang taon ng hindi ko inaasahan. Kung tutuusin ay minahal ko na rin ang trabaho ko. Gustong-gusto ko kasi ang nangangasiwa, umaayos ng mga appointment, at naglilista ng mga dapat gawin ng isang tao. Kaya't laking papasalamat ko noon na kahit bagong gradweyt at nakapasok ako sa kompanya na ito.
Tanging kompanya lang ang minahal ko rito dahil ang nagmana nito na ang kasalukuyan kong boss ay ang taong pinakaayaw kong makahalubilo sa buong buhay ko.
Ego-centric, walang respeto kahit sa matatanda, feeling gwapo - well may katotohanan naman pero hindi bagay sa kanya, at walang konsiderasyon sa mga taong nasa paligid niya.
Kahit na nakabalantara at nangangamoy na ang kanyang baho ay hindi pa rin maubos ang mga babae na nagkakagusto sa kanya. Tapos iiyak matapos makuha sa kanila ang nais ni Boss.
Hays, mga nagbubulag-bulagan ba naman kasi. Sayang mga utak niyo mga 'te.
Nang mahalata kong todo ang pag-iisip ko sa bagay na iyon ay agad ko itong inalis sa aking isipan at tumutok na lamang sa aking trabaho.
Madali na akong matapos sa aking responsibilidad at lubos ang galak ko dahil magkikita lang naman kami ng aking kaibigan na si Amy matapos ang ilang buwan na hindi namin pagkikita dulot nang magkaibang takbo ng aming mga trabaho at oras.
Kaya't sa ngayon ay todo pirma at pag-aayos ko ng mga detalye para bukas at nang makaalis na ako sa impyerno na ito nang maaga at makapunta kaagad sa lugar kung saan kami magtatagpo ng aking kaibigan.
BINABASA MO ANG
The Businessman's Punishment
Romance[BXB, MPREG] MEN IN BLACK Traviel Berryl is a 36 year-old prominent business owner. His company provides the best quality of textile materials. This contradicts his personality -- a womanizer and disrespectful individual. Traviel grew up getting ev...