chapter 10- it was only just a dream

58 1 0
                                    

Nagising ako I was in my room. Haaayy. Panaginip lang pala >_< makatotohanan eh.ay. akala ko kapartner ko talaga si ranz, akalo ko kinausap niya talaga ako, akala ko hinimatay ako dahil sa sobrang kilig at kaba.lahat ng yun. AKALA ko lang pala -___- tss. Tumingin ako sa orasan 12noon na. hala, hindi ako nakapunta sa practice lagot ako neto at mas malaking hala, hindi ko napanuod yung umpisa ng Showtime :3 11:30 yun eeh.

Aah. Gutom nako. Hinimas himas ko yung tiyan ko, lumalaki ah, maraming nakain? Kailangan ko ng pumunta sa psychiatrist pati tiyan ko kinakausap ko na. malala na to dre.

Bumaba na ako para kumain. Malamang magtatatalak nanaman si mama, hapon na ako gumising, hindi ko rin alam kung bakit, na overdose ata sa kilig dahil sa text at tawag ni bebeRanz

“ oh pam, gising ka na pala.” Sabi ni mama

“ah, hidi mo ako papagalitan?” tanong ko

“ hindi. Bakit naman?” sabi niya

“ talaga?” tanong ko ulit in disbelief.

“ oo naman, hindi mo namang kasalanang mahimatay diba? Mabuti nalang mabait yung ranz bay un? Pogi pa” she said

“HAAAAAAAAAAAAA! Ano yun ma??!!” napa sigaw ako.

“ problema mo? Aba. Naninigaw ka na ngayon? Tandaan mo pam ha, ako ang nanay mo, ako ang nagpalaki sayo, ako ang nagluwal, nag iri, nagpaka hirap para itaguyod ka tapos ano, ito pang igaganti mo?huhuhu! *sabay drama*”

Relate ba kayo sa mga linyang yan? Nakakairita no. hehe :3

Heto nanaman tayo” ma! Yung totoo, anong konek?”

“ wala, pinapractice ko lang yung mga linyang yun incase of emergency.”

“ ano po ba kasi nangyari?”

“ aba ewan. Basta ang alam ko, dinala ka nung poging lalaking yun ditto, sabi hinimatay ka dahil may sakit ka, wala naman ‘nak eh.”

Sinong lalaki? Si ranz ba? Ah. Di niya yun gagawin. Sino ba naman ako para buhatin at ihatid dito sa bahay namin. Mabuti kung kamukha ko si elize, gagawin at gagawin niya talaga yun. Pero hindi eh, kahit nga slight na similiarity wala kaming dalawa nung babaeng yun. Siya na, siya na ang maganda. -____- pssh. Napaka unfair naman.

Kahit konting kagandahan hindi ko nakuha. Life is so unfair!!!

Ayun umatake yung tantrums ko, nagdabog dabog ako. Oh well, may sarili rin naman akong ganda, hindi nga lang ngayon uso. Pero TIWALA lang pam, uuso din itong pagmumuka mo.

Toot. Toot.

From: 0946143****

 Okay ka na ba pam? Si Ranz to.

Nanlaki ulit yung mata ko. Ohmy. Si babyLove ko nagtext.

To: 0946143****

Okay na ako.Salamat Dahil sa’yo. Pag naiisip kasi kita nagiging okay na ako. Superman kita eh.mahal na ata kita..

Hay. Ano ba pam! ERASE ERASE ERASE!!

To: 0946143****

Okay na ako.Salamat

SEND.

Ranz-BabyLove. Yun yung name niya sa phone ko. Bwahahaha. Wala naman atang makakabasa nun.  Phone ko naman kaya akong bahala sa mga pangalan sa contacts ko. Ranz-BabyLove. Ayy. Kinikilig ako :’>

From: Ranz-BabyLove

Mabuti naman. Ang gaan mo ah. Diet?

Huwaaaat?? Naku totoo nga atang binuhat niya ako 0_0 anong sasabihin ko?

To: Ranz-BabyLove

  AH. Naku nakakahiya naman sayo. Pasensya na ah?.

Nag isip ako ng pwedeng ireply pero oh my gosh na memental block ako. SHEMAY. Pam! Umayos ka!

At dahil sa natataranta nako

BOOOOOOOOOOOOOOOOOMMMMMMMMMMMM

Nahulog ako sa hagdan from the 5th floor. Tig iisang hagdan kada floor :D Eh basta nahulog ako at sa kamalas malasan ng lahat ng malas naitapon ko ang aking dearest iphone 5. HA!  Totoo ah! I phone5 talaga! Binili ko nga lang sa sulok pero iphone5 pa rin yun. HIHI.

“ JUSKO! Cellphone ko! Ang bebe Ranz ko! T_T. pano na to ngayon. Mahal pa naman tong iphone5 ko 5OOphp isang taon ko yung pinag ipunan. Waaaaahhhh!”

Pinilit kong ayusin para lang maka reply kay ranz. Pero wala na eh. Patay na parang yung puso ko. PATAY NA. patay na patay na sakanya :3 wehehehe, HANAP!

“Anong ng gagawin ko ngayon?”

Nag isip ako habang papaakyat. At dun ako nagmukmok saking kwarto.

--

a/n

humihingi ako ng napakalaking pasensya dahil 4 months delayed ang chapter10. SORRRRRRRRRRRRRRRRRRRRYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY PO :3

love nyo naman ako diba? J I’ll make it up to you guys nalang :D

@ChaChe J

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Love, Please Be Mine ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon