2

175 1 0
                                    

Umaga na naman at kailangan ko na naman magtrabaho para sa sarili ko at sa nanay ko dahil kailangan niya magmaintain ng gamot..nasa probinsya ang pamilya ko at sa sobrang dami namin wala masyado makapagbigay para sa panggamot ng nanay ko halos lahat kasi sila may pamilya na at ako na lang ang wala.

Bumalik tayo sa realidad eto at nandito na ako sa store namin opening to closing ang shift ko..bongga!!dba.,nakabihis na ako at nagreready na ng bigla ako ipatawag sa office ng manager.

"Raine,mamaya before lunch ay darating ang mga bago staff bali apat sila dalawa sa kitchen isang dining at isang cashier at dahil ikaw ang mas matanda at pinaka matagal I count on you gusto ko kaw ang magtraining sa dalawa pero sa dining mo muna sila itrain ok ba yon?!"sabi ni mamsie(un ang tawag ko sa kanya kasi siya pinaka close ko sa lahat ng manager)

"makakatanggi ba naman ako sayo mamsie,hindi mo nga ako pinasingit"biro ko sa kanya

"loko ka talaga bata ka,alam mo naman sayo lang ako may tiwala.."

"yess!!boss ako na po bahala sa mga bago basta pagchick sa akin ha."sabay wink

"balasubas ka talaga puro ka babae..kay ganda mo bata ka sinasayang mo lang pagnalaman yan ng nanay mo sinasabi ko sayo..sige na lumabas kana at madami tao ngayon at payday ng mga callcenter agent ngayon"pabiro tulak sa akin

"mamsie hindi ka dapat maghinayang sa akin haha..tsk ou na po lalabas wag ka po mag alala yakang yakang mga tao niyan..dadating naman si pards mamaya eh..siya mag aayos na po ako stay put ka lang jan mamsie no need ng tulong.."palabas na ako ng office ng mapadaan ako sa kitchen at bigla ginulat ng aking barkada..

"G*go ka talaga Rommel,kung makagulat sa akin.."tatawa ang mokong

"masyado ka kasi seryoso baby!anu ba sabi sayo ni mamsie?"usisa niya sa akin

"sira!wag mo nga ako ma baby jan..baka may makadinig itsismis pa tayo..wala yon may mga bago daw na dadating mamaya kelangan natin pahirapan haha"

"ungas ka talaga raine pahirapan baka mamaya isang araw lang hindi bumalik ang mga yon at malaman namin na tinatarayan mo ang mga yun lagot ka kay tl(ama-amahan ko)at kay pards mo"iiling-iling na sabi niya

"joke lang naman hindi kana mabiro hindi ko naman gawain yon.,paglumaki lang ulo nila saka sila mayayari sa akin at saka si ama(tl bong) at si pards sus!spoiled ako dun eh.."pagyayabang kong sabi sa kanya

"hangin mo talaga o siya lumayas kana dito at naiistorbo muna ako madami pa ako hihiwain.."taboy niya sa akin

"sige madami din ako gagawin at magisa lang ako ngayon hapon pa dating ni pards"

Nagumpisa na ako sa mga gawain ko at saktong 12pm tyak madami ng tao..sa sobrang dami ko ginawa hindi ko napansin na nasa labas na yung apat na trainee at iniintay na lang itaas ang roll up para makapasok sila tabi kasi kami ng main gate ng mall kaya kitang kita mo pag mag10am na at nagpapasukan na ang mga tao sa mall sa pag lingon ko hindi ko akalain na nakatingin sa akin yung babae na pampam

'nakapasa pala siya'

Itinaas ko na ang roll up hudyat para sa pagoopen ng mall at ng store namin pumasok na din ang apat sakto labas ni mamsie at kinausap sila at pagkatapos tinawag kami ni rommel para ipakilala

"guys before we start are duty papakilala ko muna sa iniong apat ang dalawa sa pinaka matagal at magagaling kong staff rommel at raine"turo sa amin ni mamsie "at sila naman si christian at dani(tibs)sa kitchen sila kaya kaw muna bahala rommel habang wala si tl bong at ito naman si Samboy sa dining siya at si Ederlyn ay sa counter kaya ikaw raine alam muna"sabi ni mamsie at saka siya bumalik sa office ganun din si rommel at kasama na niya yung dalawa bago...

'so ederlyn pala name niya hmm'

Dahil maaga pa ay nagdiscuss muna ako sa kanila at pagmay customer ay tatayo kami para asikasuhin at pinapatake note ko na sa kanila yung mga way ng pagbati at pano mag approach sa customer..

Almost 3pm na nang mahinto yung dagsa ng tao at ngayon lang kami napahinga haysst..kapagod nakakailang lang kasi si samboy kung makadikit sa akin parang ewan at itong si pampam lagi ko napapansin na pagdikit ng dikit si samboy ang sama niya makatingin hindi ko na lang pinansin..

Nagsidatingan na din ang afternoon shift kaya makakapaglunch na kami habang kumakain ay tahimik lang ako at sila lang yung naguusap usap nagkakakilanlan at nagkukulitan at ang nakakainis c pampam napakadaldal at tingin pa tingin sa akin akala mo hindi ko napapapansin tsk..at eto pa may sumisipa sa paa ko sa ilalim ng table hinahayaan ko na lang kesa mabadtrip ako..ganito talaga ako hindi ako pala kibo paghindi ko masyado kilala pero once na kilala ko na gugulo buhay nila hahaha..

Sa sobrang pagiisip ko hindi ko namalayan na bigla sila tumahimik at nagulat na lang ako naging madilim na yung paligid ko may mga kamay na nakatakip sa mga mata ko.at kilala ko na to eh

"hulaan mo kung sino to"ani ng boses sa aking likod na nagmamay ari ng kamay na nakatakip sa akin..hinawakan ko ang kamay

"PARDS!!!"

-----
thanks for reading..

please..vote..comment..share

starlet*

M.U(malanding ugnayan)                short story(gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon