Chapter 2
PAGE'S POV
Second day na namin sa NorthCrest High at imbes na maexcite kami papuntang school eh parang masusunog ang kaluluwa namin pagpasok. Paano naman, may mga demonyong naghahari harian.
Bakit hindi na lang sila mapisti? Akala mo naman kung sino. Puro yabang lang naman ang lumalabas sa bibig.
Kasalukuyan kami ngayong nagdidiscuss sa klase. Nasa pagitan ako nina Kensie at Bullet. Ramdam na ramdam ko ang inis ni Bullet sa katabi niya dahil sa mayabang na aura ng Theo na yun. Katabi naman ni Theo yung isa pang mayabang na si Sean.
Speaking of the devil. Magmula nang hindi siya pinuri ng teacher namin kahapon, lagi nang masama ang tingin niya sa akin. Well, ganun din naman ako sa kanya kaya quits lang. Todo recite pa rin siya ngayon pero kinokontra ko minsan lalo na kapag subjective yung questions. Kaya ang labas tuloy parang may debate kami sa pagitan naming dalawa.
"You're really getting on my nerves, Page." kompronta niya sa akin nang magbreak kami.
"Oh, I didn't know you find me intimidating, Sean. You know what, I don't even realize you were active during class. Perhaps you were sleeping during class, am I right? Ang tahimik mo kasi eh." sagot ko sa kanya sabay smirk.
"I wasn't sleeping." inis na sagot naman niya sabay sinamaan ako ng tingin.
"Really? Baka bored lang ako sa klase kasi ang dali dali lang yung topics. Anyway, pagbutihin mo naman yung pag-aaral mo para exciting yung pag-attend ko ng klase. See you around." sabay smirk at head to foot sa kanya. Bago pa man siya sumagot ng nakakabagot eh lumayas na ako sa harap niya.
Nag-usap kasi kami nina Bullet na mamamasyal dito sa loob ng school. Una kaming nagpunta sa library since yun yung pinakamalapit. Umikot ikot lang kami sa loob at mukha namang they have decent books here.
Sunod kaming pumunta ng garden sa likod ng school. Okay rin naman, malawak tapos may mga benches rin.
Pero pansin ko lang, habang naglalakad kami eh pinagtitinginan kami ng mga tao dito. Ngayon lang ba sila nakakita ng babae at kung makatingin sila eh parang amazed na amazed sila.
"There are lots of strange people around here." biglang komento ni Bullet na sinang-ayunan ko naman.
"They probably think we're aliens." dagdag ni Kensie.
Naupo kami sa isang bakanteng round table at tumambay lang. Hindi pa man umiinit yung inuupuan namin, may lumapit na mga babae't lalake sa amin. Mga apat sila.
"Kayo yung 4th year transferees diba?" tanong nung isang babaeng naka ponytail.
"Yes. Bakit?" tanong ni Kensie.
"So kayo yung sumagot sagot sa SC (Student Council) officers mula kahapon? Nagkalat kasi ang balitang yun." tanong naman nung isang babaeng nakalugay ang buhok.
"Oo na naman. Pero bakit niyo natanong?" -Kensie
"Kasi matagal na nang sila yung naghaharian dito sa school. Babae man o lalake eh wala silang sinasanto. Walang gustong lumaban sa kanila kasi anak sila ng matataas na tao dito sa lugar natin." sagot nung lalakeng kasama nila.
"Pwes magmula ngayon hindi na nila pwedeng gawin yun. Ugali ba ng matinong Student Council yung mangbully ng iba? Makakatikim sila kapag pinagpatuloy pa nila yang ganyang pag-uugali." sagot ni Bullet.
BINABASA MO ANG
Doomsday High : Girls vs Boys (Teen Disputes)
Fiksi RemajaAll hell broke lose nang magkrus ang landas ng tatlong Femme Fatale at ng tatlong alpha boys sa iisang school. Ang inaakala nilang "taas kamay with confidence" sa kanilang mala-first day eh naging DOOMSDAY high pala. Ang Suplado at Vain na si Theo V...