24 Hours(Challenge accepted)

69 3 2
                                    

6:00 PM Saturday

Ickas's Pov

"Tao Po!!! tok tok ICKA!! Tao P-"

Boses palang nila ay kilalang kilala ko kung sino ang tumatawag sa gate at hindi nga ako nag kamali Sina Lorry at Marie nga ang Kumakatok. Kaya naman Patakbo akong lumapit sa gate at pinagbuksan Sila.

"Huhuhuhuh lorry buti dumating kayo uhuhuhu " sabi ko habang nakayakap kay Lorry at siya namang hinihimas ni Marie yung likod ko para kumalma ako.

"shh Tahan na Icka mukha ka nang alien eh ?" pagaalo sakin ni Marie

Grabe sa sobrang dami ng pwedeng sabihin niya eh ang mukhang alien pa ang sinabi. Si Marie pala Baliw Since birth walang preno ang bibig.

" Ahh talaga Marie yan ka na naman sa mga lines mo ehh kita na nga heartbroken yung Tao aasarin mo pa?! sabi ni lorry

Si Lorry naman ay isang bookworm minsan seryoso minsan hindi . Kaya nga laging silang nagaaway ni Marie eh Pero di pa naman umaabot sa sapakan baka ngayon na!

"Pakialam mo! Inggit ka lang eh" Sabi ni Marie

"Hoy! Di ako maiingit eh mas mukha ka ngang alien sa itsura mo ngayon ! " sabi naman ni lorry .

Paano naman kasi eh sobrang colorful ng damit ni Marie. Para sakin Mukha siyang christmas tree.

Akmang maghahampasan na sina Lorry at Marie kaya lang biglang may nagawat sakanila

"Hoy! Tumigil na kayo Heartbroken na nga si Icka dadagdagan niyo pa ang problema!Tsk.!" at dirediretso ng pumasok sa bahay ko.

Si Mila ang Pinakaseryoso samin lahat. Magsasalita lang yan pagkailangan tulad lamang ngayon.

"Girls bakit kayo nandito?" sabi ko sabay singha sa panyo ko.

"Icka kadiri ka " nandididring sabi ni Lorry

"ano gusto mong gawin ko singhutin ko mas kadiri naman yun! bakit ba kasi kayo nan-"

Pinutol naman ni Mila ang sasabihin ko

"kasi sabog na ng mga notifications ang Facebook at twitter ko tungkol sa pagkakaheartbroken mo. Yun ang dahilan ko." Mila.

"Ganun din kami nagaalala kami sayo ehh" duet na pagkakasabi ni Lorry at Marie .

Niyakap ko na lang sila dahil sobrang na touch talaga ako sa ginawa nila. Mga kaibigan ko nga sila. "Salamat girls".

30 minutes later ~Time check : 6:30 PM~

"Uy Lyka ito pa oh! "sabay abot sa kin ng isa bote ni Marie . "Ubusin mo yang isang case ah Mahal bili ko dyan!"

Napalaki ang mata ko sa sinabi niya seriously!! Papaubos niya sakin yan lahat! Heartbroken nga ako pero di ako magpapakalunod sa alak .

Binatukan na lang ni Lorry si Marie"Gaga ba't ka naman bumili kasi ng isang case ng beer ha?! Baka isa palang lupaypay natong si Icka.

"Uy OA mo! Kaya niya yan! Light naman yung binili ko eh. Kung gusto mo tulungan mo si Icka ubusin ang isang case na yan!."

Binatukan na lang ulit ni Lorry si Marie.

"Aray ah nakakadami ka na!" pinanlakihan ng mata  ni lorr si Marie.

"Uy tumigil na kayo!" awat sakanila ni Mila.

Bigla nalang ako napahagulhol ng maalala ko ang hayop na si William ."huhuhuuhhuh nasan na ba si bestfriend Mae uhuhuhuhuuhu Kailangan ko siya ngayon waahhhh"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tonight I'm Getting Over You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon