Chapter 23

3K 165 206
                                    

Watermelon

"Time's up! Finished or not, please pass your papers..." It was our proctor's announcement that broke the deafening silence inside our classroom.

May iilang nagprotesta na hindi pa sila tapos pero wala na rin naman silang magagawa. Nakailang extend na rin kasi ng oras dahil kinakapos sa solving sa PreCal and now it's almost lunch time.

Kaagad akong tumayo bitbit ang test paper ko at isinukbit na ang bag. Sa wakas ay tapos na ang paghihirap kong ito. Today was the last day of our exam, at bukas ay Sabado na ulit!

"Benj, uuwi ka na?" Tawag sa akin ni Diego habang naghuhubad ako ng footsocks sa labas ng classroom. "Sa labas na tayo maglunch! Libre raw ni Eros!" Yaya nito.

"Mama mo libre," Eros replied without care.

"Hah! Sumbong kita kay Mama!" Balik ni Diego pagkatapos magpasa ng test paper niya. Tumawa naman si Miggy at humabol na sa akin sa labas ng classroom, halatang excited dahil sa narinig na libre. Medyo may pagkapatay-gutom rin kasi ang isang 'to.

"Saan daw ba tayo kakain?" Tanong ko at inilabas na ang cellphone. Since we're eating lunch outside, mabuting yayain ko na rin si Rael.

Wala lang.

Tutor ko naman siya kaya wala naman sigurong problema, 'di ba?

Sign of gratitude na rin sa pagtututor niya sa akin kasi kahit papaano ay hindi ako nabaliw kanina sa pagsagot sa exam ko. I smiled, feeling proud of myself. Ang thoughtful ko naman.

I happily composed a text message for him.

Ako:

Are you done with your exams? Saan ka ngayon? Kakain kami sa labas nina Diego. Sama ka.

"Sa East Wave yata... 'Yong bagong bukas na branch sa centro." Sagot ni Miggy sa tanong ko sa kanya. "Did you bring your car with you?"

I nodded without looking at him.

"Yep,"

Hay naku. Ang tagal naman magreply nitong crush ko. For sure tapos na 'to sa exam niya. Baka kanina pa nga, e. Sa galing ba naman. Kahit siguro five minutes lang matatapos no'n isang subject at hindi man lang pagpapawisan.

Well kaya ko rin naman 'yong gano'n. Di nga lang sure kung may tatama ba kahit isang item.

I licked my lips as I typed another message.

Ako:

Wala ka bang load? Should I send you some?

Again, he didn't reply.

I was on the verge of really sending him some load when he finally replied to my messages. Agaran ang pagsasalubong ng mga kilay ko habang binabasa ang mensahe niya.

Azrael:

Nasa Gibbs Pizza kami ngayon. Thanks for the invitation, though.

"Oh, ano? Tara na?" Si Diego sabay akbay sa akin. Tahimik na naunang maglakad si Eros at ganoon din si Miggy. Samantalang mabagal kami ni Diego dahil abala ako sa pagtitipa ng reply sa tutor ko.

Ako:

You're with your classmates?

"Hay, matagal na akong hindi nakakakain sa East Wave! Masarap pa naman chicken nila doon!" Masayang sambit ni Diego sabay himas sa tiyan niya. "Tapos ang gaganda pa ng mga server. Pati mata ko mabubusog, e."

Azrael:

Yes.

Napairap ako at ibinalik na sa bulsa ang cellphone. Binilisan ko ang paglalakad ko hanggang sa naabutan na namin sina Eros at Miggy.

Double TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon