PANAGINIP

112 1 0
                                    

Chapter 1:Twelve midnight. Mahimbing na natutulog si Ramon. Nakabibingi ang katahimikan. Hindi niya namalayan ang pagbukas ng pinto. Bakas sa sahig ang anino ng pumasok. May hawak itong patalim. Lalapitan nito si Ramon at sasaksakin. “Huwag!” magigising si Ramon. Pawisan. Nananaginip pala siya.

Chapter 2: Nag-iinuman sina Ramon at Ariel. “Tol, huwag mong isipin ang panaginip mo. Hindi mangyayari iyon!” sabi ni Ariel. “Parakasing totoo e!” pag-aalala ni Ramon. Hindi niya makalimutan ang aninong may hawak na patalim. “Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip ko?” tanong niya sa sarili.

Chapter 3: Isang gabi. Nagpapahinga si Ramon ng makarinig siya ng kaluskos. “Sino iyan? Pareng Ariel? Huwag mo akong takutin?” Pakiusap niya. Lalapitan niya ang pinto. Pakikiramdaman. Bubuksan. Walang tao. Isasara niya ito. Nang biglang tumagos ang isang patalim mula sa pinto. Kinabahan siya.

Chapter 4: “Pareng Ramon, gumising ka! Gising!” sigaw ni Ariel kay Ramon na nananaginip ulit. Magigising ito. Balisang-balisa. Hinahabol ang paghinga. “Napanaginipan ko na naman siya, pare!” sabi niya. “Sino?” tanong ni Ariel. “Iyong aninong may hawak ng patalim!” nanginginig sa takot si Ramon.

Chapter 5: Nalilito na si Ramon. Naguguluhan. Kaya madalas ay umiinom siya para makalimot. Lagi silang naglalasing ng kaibigang si Ariel. “Alak lang ang katapat niyan, pare! Ang lasing, walang kinatatakutan!” yabang ni Ariel. Pero hindi talaga maalis sa isip ni Ramon ang aninong may patalim.

Chapter 6: Kauuwi lang ni Ramon. Tahimik ang bahay. Walang tao pero bukas ang pinto. “Nasaan kaya si pareng Ariel?” papasok siya ng bahay. Lilibot. Hinahanap ang kaibigan. Pero hindi niya ito makita. “Siguro umiinom ulit iyon?” sabay diretso sa likod bahay. Pero nagimbal siya sa kanyang nakita.

Chapter 7: Nakita ni Ramon ang sarili na nakahandusay sa lupa. Patay. May patalim sa kanyang dibdib. Nagkalat ang bote ng alak. Kinabahan siya. Dadating si Ariel. Duguan. Nanlilisik ang mata.  Nakatitig sa kanyang bangkay. “Si Ariel ang aninong may patalim sa panaginip ko!” sigaw ni Ramon. Wakas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PANAGINIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon