Chapter 5

15 1 0
                                    

(a/n: sorry kung natagalan wala kasing internet connection eh :), from now onwards, author’s point of view na po palagi. Meaning sa 3rd person yung narration ;D, sana po okay lang sa inyo)

 “Iyon lang para sa ngayon, class. Makakauwi na kayo,” pagdidismiss ni Mrs. Roldan sa klase.

Agad na tumayo si Blaze habang ang mga kaklase naman niya ay kanya-kanyang ligpit ng mga libro at notebook nila. Lalabas na sana siya ng classroom nang bigla siyang tinawag ng professor nang mapatapat siya sa mesa nito.

“Please stay, Alonzo. Ikaw rin Angel,” sabi ng propesor.

Tila naintrigang nagbulungan ang iba nilang kaklase. Pasimpleng inismiran pa siya ng ilang kaklase nilang lalaki. Kimumutan lang niya ng noo ang mga ito. Humalukipkip at sumandal siya sa blackboard habang hinihintay ang sasabihin ng professor.

May mga nanunuksong ngiting nagsenyasan naman na mga babae kay Angel. Tila naghuhulaan ang mga ito kung ano na namang kalokohan niya ang nangangailangan ng parusa at kumg bakit kailangan ding maiwan kasabay niya ang dalaga. May ilang kunwari tumambay sa pintuan para makiusyuso. Pero itinaboy muna ang mga ito ni Mrs. Roldan bago ito humarap sa kanila ng dalaga.

“Alonzo-----“

“Blaze,” putol niya sa pagsisimula ni Mrs. Roldan.

“Ha?” tila nalitong sambit ng professor.

“First name basis kayo sa iba ninyong estudyante pero ako, sa apelyido ninyo lagi tinatawag. Mahirap bang bigkasin ang pangalan ko, Mrs. Roldan?” tanong niyang itinaas ang baba at may paghahamon sa mga matang sinalubong ang tingin ng naturang professor.

Karamihan sa mga professor sa Stanford University ay nangingilag sa kanya. Batid niyang dahil iyon sa pangalan ng pamilya niyang masasabing pinakatagal nang nakaupo sa posisyon sa bayan nila. Ayaw ng mga ito na makagawa ng hakbang na makaka-offend sa kanya. Baka nga naman magsumbong siya sa pamilya niya. Kaya halos karamihan sa mga kalokohan niya ay pinalalampas ng mga ito. Kung punahin man siya ay hindi naman binibigyan ng kaukulang parusa.

Pero may kaakibat ding pagkayamot ang pangingilag na iyon. Dahil miismo sa tila pagkakagapos ng mga kamay ng mga ito sa pakikitungo sa kanya, kaya naiinis ang mga ito sa presensiya niya sa public school na iyon. Hindi kasi siya makanti ng mga ito kahit lantaran na niyang sinusuway ang mga patakaran ng eskwelahan.

“Er, hindi naman, B-Blaze,” pilit ang ngiting sabi ni Mrs. Roldan. Sumulyap pa ito kay Angel na waring humihingi ng saklolo. Tumikhim ito bago nagsalita uli.

“Napapansin ko kasing medyo mabababa ang grado mo sa klase ko. Wala ka ring ipinasa kahit isang proyekto. Naisip kong baka makatulong si Angel sa iyo para hindi ka naman gaanong maghabol sa grado mo pagdating ng pagtatapos ng klase.

“Pumayag naman si Angel na i-tutor ka sa libreng oras niya. Iyon ay kung ayos lang sa iyo, Alo---Blaze,” –Mrs. Roldan.

Sinulyapan niya si Angel na nakatingin din sa kanya. May antidipasyon sa mga kulay-tsokolateng mata nito at kung hindi siya nagkakamali ay may bahagyang pang-uudyok din. Kulang na lang ay kagatin nito ang mapintog na ibabang labi sa pagpipigil ng pagkaatat habang hinihintay ang sagot niya. Gusto niyang matawa sa obvious na obvious na pagkakagusto nito sa kanya. Pero pinanatili niya ang pormal na ekspresyon ng kanyang mukha.

Pupusta siya, ito mismo ang nagprisinta ng sarili kay Mrs. Rodan upang tulungan siya sa mga aralin niya. Sa ganoong paraan nga naman ay magkakaroon ito ng pagkakataong makasama siya.

Aaminin niya nakaka-flatter ang pagkakagusto nito sa kanya. Halata naman kasing sikat ito sa eskwelahan bilang isang matalino, mabait, palakaibigan, at matulunging estudyante. Professors and students alike were fond of her. She was the typical nice girl na palagi nasa dean’s list, secretary ng student council, paborito ng mga instructors, crush ng mga lalaki, at best friend ng mga babae. She was the girl everyone liked at wanted to be like. In other words: boring, predictable and way too good for a bad boy like him.

Ngunit hanga rin siya sa lakas ng loob nitong i-approach siya. Ito pa lang ang nakagawa nun. Dahil kahit ang mga kaeskwela niyang lalaki ay nanginginig na makipaglapit sa kanya sa klase ng reputasyon na mayroon siya.

“Puwede nating gamitin ang library sa hapon. Tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes. O kung gusto mo, kahit Martes at Huwebes na lang. doon din naman ako gumagawa ng assignments bago umuwi,” wika ni Angel na bahagyang napalunok pa habang walang kurap na nakatitig sa mukha niya.

“Graduating ka na, Blaze. Maaantala ang pag-graduate mo kung hindi ka pa rin makakapasa ngayon sa klase ko. Makakatulong talaga nang malaki kung mag-i-improve ang mga grades mo bago mag-midterm exams, lalo na sa quizzes at takdang-aralin ninyo. Kung hindi ka naman sang-ayon na si Angel ang mag-tutor sa iyo, puwede kong kausapin si Mr. Kalapit para siya ang mag-tutor sa iyo. May babayaran ka nga lang kung kay Mr. Kalapit ka magpapaturo kaysa kung kay Angel,” ani Mrs. Roldan.

“Parte kasi ng projects ng student council ang pagtuturo naming mga officers sa mga kapwa estudyanteng…ahm, medyo nahuhuli sa grades lalo na ‘yong mga hindi naman makakuha ng tutors,” paliwanang ni Angel.

“Ibig ninyong sabihin kung hindi ako magpapaturo, hindi ako papasa, tama?” nakarko ang mga kilay na untag ni Blaze sa propesora.

Marahang tumango naman si si Mrs. Rodan ngunit nakaiwas sa kanya ang tingin.

“Sige.”

Tila nagulat na lumipad pabali sa mukha niya ang tingin nito, waring hindi inaasahan ang agarang pagpayag niya.

“Mabuti kung ganoon! Kakausapin ko agad si------“

“Hindi na. Siya na lang,” putol niya sa sinasabi nito. Itinuro niya si Angel na abot-tainga ang ngiting tumatango-tango sa kanya. Inayos niya ang pagkakasukbit sa balikat ng knapsack niya at dumiretso ng tayo. “iyon lang ba?”

“O-oo. Sige pwede na kayong umuwi,” tugon ni professor na tila nakahinga na nang maluwag.

Being With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon