After Class

3 0 0
                                    

"Dani, come see me at the Science Lab after class", casual na sabi ni Sir King habang nililigpit nito ang mga gamit sa kanyang table bilang paghahandang umalis.

Hindi na niya ako tinignan upang hintayin ang sagot ko. Matapos nitong sabihin iyon ay tuluyan na itong lumabas ng klase. Ang pag-alis nito ay siya namang pagsimula ng ingay sa classroom.

Mayroong magkasintahan sa dulo ng classroom na nagsusuyuan. May grupo ng mga babaeng pinagchi-chismisan ang kanilang mga crush. May grupo ng mga lalaki sa likod na naglalaro ng mobile games.

Pinagmasdan ko ang paligid. May kanya kanya silang mga mundo. Kanya kanyang mga buhay, kanya kanyang mga problema. Pero may mas lalaki pa kaya sa problemang kinahaharap ko?

Isang subject na lang bago matapos ang klase. Nakatingin ako sa orasan. Marahil karaniwan sa mga estudyante rito ay sabik nang makauwi. Pero ako? Nagdadasal na wag muna matapos ang araw na 'to.

*Kriing*
*Kriing*

Totoo nga ang sabi nila time sure flies fast when you don't want it to end. Lumipas ang huling subject na parang hangin. Lahat excited na umuwi, ang iba ay nagkakayayaan pang gumala.

"Dani, gusto mo ba sumama sa'min? Magkakaraoke kami e." nakangiting turan ni Sarah. Paglingon ko sa grupo niya, nakatingin lang sila sakin. Mga expression na nagsasabi ng naiinip na sila at gusto na nila lumabas.

*Brrt*
*Brrt*

Hindi ko na kailangang tignan ang telepono para malaman kung sino ang nagmessage.

"Next time na lang. Di kasi ako nakapagpaalam samin e."

" Ah sayang naman. Basta next time ah?" turan nito habang nagsisimula nang lumabas.

Inayos ko na yong mga gamit ko. Isinilid ang mga gamit sa bag. Dahan dahan akong naglakad palabas.

Tinungo ko ang daan papunta sa Science Lab. May mga nakasalubong akong guro sa aking paglalakad at siya ko naman silang nginitian.

Natanaw ko na ang Science Lab. Lumang gusali na ito. Bihira rin may magpunta ritong mga estudyante kasi laging nakalock ang pinto. Masyado raw kasing mahal ang mga aparato sa loob kaya hindi hinahayaang bukas.

Noong nasa pinto na ako, marahan akong kumatok. Narinig kong may nag unlock mula sa loob ngunit hindi ito tuluyang binuksan. Dahan dahan ko itong pinihit at dahan dahang tuluyang pumasok.

High School High (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon