"Mahal Kita LoKo (Love Ko)"
by: HopelessWriter25 2013©
"PROLOGUE"
LOVE?
Ito ang pinakamahirap i-define sa dictionary. Bawat tao may kanya-kanyang pananaw pagdating dito. Maaaring para sa kanila, ang LOVE ay ang dahilan kung ba't tayo sumasaya, umiiyak, nag-aalala, ngumingiti at tumatawa pero dahil din sa LOVE natututo tayong pahalagahan ang bawat taon, buwan, araw, minuto at segundo na kasama ang ating minamahal na para bang wala nang darating na bukas. Napaka-magical ng LOVE, lahat ng bagay nagiging posible. Kahit gaano man kasama ang taong mahal mo, dahil dito natatanggap mo ang bawat kapintasang meron siya. Natututo kang balewalain lahat ng sakit makasama lang siya. At dahil dito, natuto akong magmahal ng walang hinihinging kapalit. Yung tipong, minamahal ko siya kasi gusto ko, hindi dahil kelangan ko. LOVE may be defined in many different ways but there is one thing I'm certain that all forms of LOVE have in common....
it's SACRIFICE :')
----
"Hey, bruha! sa'n ka na ba? kakarating ko lang dito sa park"
Pambungad na sabi naman ng bestfriend kong si Lala.
"On the way na po! hindi ka naman excited no?"
Pabiro ko namang sagot sa kanya.
Ganito talaga kami mag-usap, parang nag-aaway pero normal na tono lang talaga 'yun para sa aming dalwa. Cool di'ba? hahahaha...
Bago pa man ako dumaldal ng dumaldal sa inyo, magpapakilala na muna ako. I'm Kryzhielle Guzman, medyo complicated name ko kaya my friends prefer to call me Elle. I'm 16 years of age and a graduating fourth year highschool student.
Kung hindi niyo po naitatanong, kasalukuyan po akong lumalabas ng bahay papuntang park, eh kasi naman napagplanuhan naming dalawa ng bestfriend kong si Lala na i-meet 'yung textmate niya sa loob ng limang buwan. Matagal-tagal din 'yun kaya naman, ganun na lang siya ka-excited na makita 'yung guy. Kyaaaa >///< exciting toooo...
(30 MINUTES PAST)
"Hoy bruha, andito na ako!"
Sigaw ko naman kay Lala nung nakatalikod siya sa may entrance ng park.
"Finally, dumating ka na rin. On the way na rin daw kasi si Marco"
Wooooah! halatang excited ang bruha, ang pula pa ng lips.
"Ah ganun ba? halika best kain muna tayo ng dirty ice cream!"
Suggestion ko naman sa kanya.
Matagal na akong naglalaway na kumain ng dirty ice cream dito sa park. Huling kain ko eh nung kasama ko si Lala when we had our picnic kasama ang iba pa naming classmates.
"Eh? mamaya na yan best, nasa may gate na daw siya eh"- Lala
"Ayyy, so rude best! ako na nga lang mag-isa, babalikan na lang kita ha?"
Sabi ko naman sa kanya habang nagpapakonsensya effect 。◕‿◕。 Mehehehehehe :3
"Hay naku! kung 'di lang kita bestfriend, pinabayaan na kita!"
Sabi na eh, 'di ako matitiis ni Lala. HAHAHA =Þ
Kaya ayun, sinamahan niya nga ako sa may stall ni manong sorbetero. I craved for this, Wohooo! sa wakas, makakakain na rin ako.. Yeeees! \(*T▽T*)/

BINABASA MO ANG
Mahal Kita LoKo (Love Ko) [One Shot]
Teen FictionLove is always in the air, regardless of your status in the society. Everyone deserves to love and to be loved. This story will make you realize what love can make out of nothing. --- HopelessWriter25©