Hendrix Garcia's POVPandemic... Total lockdown dahil sa pagtaas ng bilang ng mga taong nagkakaroon ng COVID-19...
Hindi ako mapakali sa bahay dahil hindi sumasagot sa mga tawag ko si Marlon. Nagpaalam siyang pupunta sa inuman ngunit hindi ko naman ito pinayagan dahil naka magkaroon siya ng COVID.
Hindi sa nagiging mahigpit ako sakanya pero buhay na niya ang kapalit kung magkakaroon man siya. May katigasan din ang kanyang ulo dahil ang nirarason niya sa'kin ay matagal na noong huli siyang makatikim ng alak.
Baka kamao ko na ang matikman niya...
Ako nga pala si Hendrix, seventeen years old at yung boyfriend ko naman na nasa inuman ngayon ay si Marlon na nineteen years old.
Marahil ay naguguluhan kayo... Bata pa lang kami ni Marlon ay magkakilala na kami, sabay kaming tumungtong sa paaralan at nang makarating kami ng ika-limang grado ay mas lalo naming nakilala ang bawat isa.
Hindi talaga kami ang magkakatuluyan at hindi ko pa sineseryoso ang lahat dahil sa isip ko ay bata pa naman kaming dalawa at mukhang biruan lang lahat.
Si Krishna... Ang kaibigan ko, ang nililigawan niya noon pero ang tukso pa rin ng mga kaklase namin ay saaming dalawa ni Marlon. Kaya bandang huli ay naging kami...
Tomboy kasi si Krishna...
Graduation namin noong grade 6 at doon naging opisyal ang relasyon namin ni Marlon. Pero nang matapos ang moving up namin noong highschool ay huminto ako sa pag-aaral. Hindi muna ako nagtuloy dahil masyadong maraming pumasok sa isipan ko...
Sinabi ko 'yon sa pamilya ko, dahil nahihirapan ako mag decide. Sobrang daming pumapasok sa isipan ko na pati sa mga gawain sa lahat ng bagay ay bumabagabag sa isipan ko.
And later on... I was diagnosed with Depression.
Sinamahan ako ni Marlon, kasama ang pamilya niya sa kakilala nilang Psychiatrist. Hindi nila ako iniwan... May mga gamot na dapat akong inumin at salamat din sa pamilya ko na laging nasa likuran ko.
Si Marlon, kahit stress na sa school. Iniintindi niya pa rin ako. Kahit na ayokong kumausap, pupunta sa bahay para lang dalhan ako ng pagkain, kwentuhan ako ng mga nangyari sakanya sa buong araw.
Kaya malaya siyang nakakapunta dito sa bahay dahil nakikita ng mga magulang ko na malaking tulong sa'kin si Marlon...
Thankfully...
Okay na ako...
Ready na ulit ako, I am happy! Pero kung kailan ako naging handa ulit para patunayan ang sarili ko ay tsaka nangyari itong lockdown dahil sa COVID.
Tumunog ang cellphone ko malapit sa kama, kinuha ko agad 'yon at tinignan kung sino ang tumatawag... Si tita, ang mommy ni Marlon.
"Hello po, ma?"
"Anak, tumawag sa'kin si Marlon. Nag-away daw kayo?" Malumanay ang boses ng mommy niya.
"Ha? Hindi po totoo yun, ma"
Saan naman nakakuha ng lakas ng loob si Marlon na gumawa ng eksena. Ang sabi ko lang sakanya ay h'wag na siyang tumuloy dahil nga pandemic at baka mayroong may COVID sa mga kainuman niya ay baka mahawa siya.
YOU ARE READING
Between Us
Teen FictionAng pagmamahal ay walang pinipiling kasarian... Pero kung dumating man ang panahon na sobrang bigat na ng pangyayari sa lahat, sino ang pipiliin mo?