-
"Layo ng tingin mo, sino tinitignan mo d'yan?" Sulpot na tanong ni Vinalyn at sinilip din sa bintana ang kanina ko pa pabalik-balik tinitignan.
Nandito kasi si Amour sa campus namin kasama ang kanyang team, hindi ko alam ang dahilan pero mukhang may medical campaign sila dahil may mga tents din itinayo sa labas.
"Kaya naman pala hindi mawala paningin sa labas, titig na titig kay doctor Amour," napatingin ako sa kanya dahil kilala niya si Amour?
"Kilala mo?" Tanong ko.
"Oo, kasi dati siyang professor dito?" Hindi rin siya sigurado sa kanyang sagot.
Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko, mabilis ko itong dinukot mula sa bulsa ko at nakitang may message si Amour...
Amour
Which floor are you?Pula
Itong nasa likod mo, 3rd floor-first room sa right side simula.Muli ko siyang tinignan matapos ipadala ang mensahe, ilang segundo pa ay nakita ko ang kanyang pag-ikot at tumingala hanggang sa nakita na niya ako sa pwesto. Kita ko ang muli niyang inabala ang sarili sa hawak na phone kaya baka sasagot na.
Amour
Darling, have you been stealing glances at me the entire time? You're not even paying attention to your class.Pula
Nakikinig ako, sadyang hirap ka lang iwasan ng mga mata ko 🤦♀️Amour
So you're saying that I'm more important than your class?Hindi ako naka sagot, di ko kasi alam isasagot pastilan.
Amour
Have you ever seen a pig dance?Kumunot ang aking noo at mabilis itong ni replyan kung ano ang kanyang ibig sabihin.
Pula
Baboy na sumasayaw? Walang ganun unless kung animated yan ay oo nakakita na ako.Amour
Half pig, half human.Pula
Ha?Umiling ako at mahinang natawa sa pinagsasabi niya, wala ako na gets hanggang sa muli itong nagpadala ng mensahe. It's a video at dahil sa curious ako ay pinindot ko kaagad ang play button ngunit nakalimutan kong e silent ang media player kaya bumulabog ang tunog nito sa buong classroom.
Pag angat ko ng ulo sa pisara ay nakita ko si Ines na titig na titig sa akin, napalunok ako dahil mukhang hindi niya nagustuhan ang ginawa ko at halatang hindi nakikinig sa klase.
"S-Sorry, napindot ko lang po." Paghingi ko ng paumanhin, buong akala ko ay papagalitan ako ngunit pinalagpas niya ang ginawa ko at muling nagpatuloy sa discussion.
Palihim ko kinuha ang isang earphone at inilagay sa aking tenga kung saan hindi kita ni Ines, sinigurado ko talagang konektado bago muling pinindot ang play.
Nagulat ako nang makita ang video niyang pinadala, siya ba to? Siya nga yata at tinakpan lang ng baboy na filter ang mukha-atayang indai Amour uy, kung sayawan niya kaya ako sa personal at hindi sa video lang?
YOU ARE READING
ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ (ꜱꜱ) : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ʀʜᴇᴀ ᴡʀᴇɴ ᴀᴍʙʀᴏꜱɪᴏ (ɪɴᴛᴇʀꜱᴇx)
Ficción GeneralUD : WEEKDAYS